"May bago daw tayong kapitbahay." Biglang usal ni Papa habang sinasawsaw ang kan'yang tinapay sa kape.
Nasa kusina kaming apat ngayon at nag-aalmusal. Tinapay at kape ang kinakain namin.
"Kapitbahay? Saan mo naman 'yan nakuha, Mario?" Nakakunot noong tanong ni Mama kay Papa.
"Sa chismis. 'Yon ang sabi nila, eh. Narinig ko kanina habang naglalakad ako papauwi dito sa bahay."
Nang marinig 'yon kay Papa walang sabi-sabi ay nabulunan ako sa kinakakain kong tinapay.
Chismis?
Akala ko ang chismis ay para lamang sa mga babae, hindi naman ako updated na pati pala mga lalaki ay marunong na ring makinig ng chismis.
"Pa, kalalaking tao mo, chismoso ka pala." Tawa ko habang nakatingin sa kany'a, pero mukhang hindi naman natawa si Papa sa sinabi ko. "Joke lang Pa!" Kaagad kong binawi ang sinabi ko habang nakapeace sign. Ayaw kong masermonan, ang aga-aga pa.
"Hindi ako nagbibiro. Totoong may bago tayong kapitbahay." Seryosong aniya ni Papa.
Kahit gusto kong magsalita natatakot naman ako. Baka kasi ano pa ang lumabas sa bibig ko at mapagalitan ako.
"Ay excited ako! Lalaki daw Saddy?!" Tanong ni Tita Pinty sabay lagay ng imagination n'yang buhok sa likod ng tenga n'ya.
"Ewan, basta ang narinig ko lang ay may bagong lipat daw," Sagot ni Papa at ipinagpatuloy ang pagkain ng tinapay.
Wala naman akong paki kung sino ang bagong lipat dito sa amin, kasi hindi ko naman s'ya araw-araw na makikita dahil hindi naman araw-araw na nandito ako sa bahay namin.
"D'yan ba sa tapat natin?" Tanong ni Mama.
"Baka? Bala d'yan sila lilipat, 'yan lang naman ang binibenta dito sa may atin." Sagot ni Papa.
Napakunot naman ako noo. Hindi ko alam na binibenta na naman pala ang bahay na nasa tapat namin. Sa tingin ko tatlong pamilya na ang tumira doon pero walang nagtatagal.
"Bakit daw binenta 'yon bahay pa?" Tanong ko gamit ang seryoso kong boses.
"Nagmigrate na sa Manila 'yong dating pamilya na tumira d'yan kaya binenta na nila ang bahay nila."
Palagi ko na lang naririnig na ang dahilan kung bakit umaalis ang mga tao doon sa kabilang bahay ay dahil sa pagmimigrate. Katulad nang unang pamilya na tumira doon, umalis sila dahil pumunta ng Cebu tapos ngayon umalis na naman dahil nagmigrate ng Manila.
"Ay pamilya pala? Akala ko naman single," Mahinang bulong ni Tita Pinty na s'yang ikinangisi ko. Hindi ko lang alam kung narinig din ba ito nina Mama.
"Anong nginingisi-ngisi mo d'yan Sydney?" Tanong ni Mama sa akin habang nakakunot ang noo.
"Huh?" Tanong ko rin. "Ah, wala Ma, may naalala lang." Pagpapalusot ko.
"Oh sige na, alis na kami," Si Papa sabay tayo sa silya. "Hindi naman kayo aalis, diba?" Tanong ni Papa habang nakatingin sa amin ni Tita Pinty.
Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Tita.
"Dito lang kami." Sabay naming sagot ni Tita.
"Oh s'ya, kayo na bahala dito sa bahay ha? Babalik din agad kami." Paalala ni Mama.
Tsk. Babalik agad? Hindi ako naniniwala.
"Mom, Dad, baka nakakalimutan n'yo... toothbrush muna bago umalis." Pabirong paalala ni Tita.
"Naku Pinty! Sa akin mo pa 'yan sinabi, kay Mario mo 'yan sabihin." Si Mama sabay lingon kay Papa.
"Oo na magtotoothbrush na ako," Si Papa sabay lakad papuntang lababo.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...