"Sydney, pagkalabas namin, i-lock mo ang pinto ng maiigi. Huwag kang magpapasok ng kung sinu-sino, babalik kami agad." Pabalik-balik na paalala sa akin ni Tita.
Napatayo naman ako nang maayos sa pagkakahilig ko sa dingding.
"Alam mo Tita, pabalik-balik ka. Unli call and unli text. Alam mo 'yon? Hindi pa nga kayo nakakaalis sat-sat ka pa rin nang sat-sat." Sarkastiko kong wika sabay irap sa kaniya. Pa'no ba naman kasi, pabalik-balik. Kanina n'ya pa sa akin sinasabi na i-lock ko raw ng maiigi ang pintuan pagkaalis nila, eh alam ko naman ang gagawin ko.
Nasa condo pa rin ako ni Tita, siguro bukas pa ako lilipat sa condo ko. Sabi kasi ni Tita, mas safe na 'yong nasa poder n'ya ako, bukas na lang daw ako lilipat, kasi bukas pa naman daw ang dating ni Aeiou.
"Pinapaalalahanan lang kita Sydney," Lingon n'ya sa akin. "Alam mo naman, diba?" Tanong n'ya sabay harap ng tingin. Napalingon naman ako sa harap namin.
"Tara na, kating-kati na talaga akong lumarga. Gusto ko ng makalanghap ng fresh air, maka‐"
"Tara na Ericka, ang drama mo." Hindi na natuloy ni Ericka ang kaniyang sasabibin nang hilahin na s'ya palabas ni Tita.
"Sydney, 'yong pinto." Paalala ulit ni Tita ng makalabas na sila ng pinto.
"Oo na Tita, ito na nga iseserado na." Nakangiti kong saad sa kan'ya sabay punta sa direksyon ng pinto.
"Bye Sydney! Pakasaya ka d'yan! Kausapin mo ang mga daga at ipis—"
Sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman natuloy ni Ericka ang dapat n'yang sasabihin nang higitin nanaman s'ya ni Tita. Napailing na naman lang ako at isinerado na ang pinto.
Bilib rin ako sa dalawang ito. Bilib na bilib ako kina Tita Pinty or should I say Tito James at Ericka. Kasi kung makaasta sila parang hindi sila, kung makaasta sila parang walang namamagitan sa kanilang dalawa, kung makaasta sila parang wala lang, hindi mo mahahalata sa bawat kilos nila na sila na pala. Until now, wala pa rin silang sinasabi sa akin, hindi pa rin nila sinasabi sa akin na sila na, na magjowa na sila. Wala namang kaso sa akin kung wala pa silang balak na sabihin sa akin, it's their choice, ako nga hindi ko sinabi kay Tita na kami na ni Aeiou, hindi ko nga alam kung kanino n'ya 'yon nalaman, kaya okay lang sa akin kung hindi pa nila sasabihin sa akin na sila na. Baka naghahanap sila ng tiyempo para sabihin ang lahat-lahat sa akin.
Pagkatapos kong iserado ang pinto, dali-dali akong umupo sa sofa at pinagpatuloy ang pag-iinom ko ng gatas.
Seven-fourty-five am pa lang naman kaya sa tingin ko, pywede pa akong uminom ng gatas. Aalis sina Tita at Ericka dahil bibili sila ng mga stocks para sa amin, wala na kasing grocery ang condo n'ya, kaya lalabas sila, pero sa tingin ko, magda-date lang 'yong dalawa.
Habang umiinom ako ng gatas, hindi ko mapigilan ang isipin abg nangyari kahapon, 'yong nangyari sa show kahapon. Napapansin ko kasi palagi akong yinayakap ni Martin, sabi n'ya last na daw 'yon, pero pagkapunta namin sa backstage, yinakap na naman n'ya ako, tapos no'ng pauwi na kami, yinakap na naman n'ya ako. Ang weird lang. Hindi naman kasi n'ya ugali ang mangyakap.
Napaangat naman ako ng tingin nang marinig na tumunog ang doorbell ni Tita.
Nakapabalik na agad sila?
Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. Mahigpit na paalala sa akin ni Tita na huwag basta-bastang bubuksan ang pinto.
Mas lalong nangunot ang noo ko nang tumunog ulit ang doorbell.
Sina Tita ba ito? May nakalimutan ba sila?
Kahit hindi dikta ng utak ko na tumayo, tumayo pa rin ako habang nakakunot ang noo. Baka sina Tita nga ito, baka may nakalimutan sila.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
Storie d'amoreSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...