CHAPTER 40

1.4K 44 1
                                    

One month later...

Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." Sabay-sabay na kanta ng lahat habang ang kanilang mga mata ay nakatutok sa akin. "Happy birthday Sydney Mavis Hermoine, we love you!" Sabay-sabay rin na sigaw ng lahat at hindi kalaunan ay nagtawanan na.

Isang buwan na rin pala ang nakakalipas matapos maging maayos ang lahat. Isang buwan na pala nakakalipas matapos, matapos ang issue. Isang buwan na ang nakakalipas simula nang maging okay ako, simula nang bumalik na ako sa dating ako, sa dating Sydney Mavis Hermoine. Isang buwan na pala akong andito sa Zamboanga City at higit sa lahat isang buwan na naman ang dumagdag sa relasyon namin ni Aeiou. Four months, four months na pala kaming in a relationship. Ang tagal na pala.

"Make a wish and blow your candle Sydney." Utos nilang lahat sa akin. Agad ko naman ipinikit ang mga mata ko at kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang paghiling ko sana magtuloy-tuloy na ang lahat ng ito. "Happy Birthday Again!" Ngiti nilang lahat sabay palakpak.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko inaakala na birthday ko na pala ngayon. Wala akong kaalam-alam na may hinanda pala silang birthday party para sa akin. Basta ang alam ko lang ay hindi engrande ang selebrasyon na ginawa nila para sa akin. Ngunit, kahit simple lananf ito, masaya naman ako. Sobrang saya ko. This celebration is a private party held in LM Metro Hotel. Walang gaanong bisita, kami-kami lang. Kami ng pamilya ko, kaibigan ko, mga kaniya-kaniya nilang mga minamahal, pamilya ni Aeiou at siyempre hindi pwedeng mawala si Aeiou, s'ya ang may pakana nitong lahat ng ito.

Mga kaibigan ko lang ang andirito. Wala sina Tita at Ericka. Maselan ang pagbubuntis ni Ericka kaya hindi s'ya makakabyahe. Nag-aalala nga ako kay Ericka lalong-lalo na sa bata, pero ang sabi naman ni Tita maayos na raw ang lahat. Wala na akong dapat na ipag-alala. Okay na si Ericka at ang bata.

"Sige! Tama na 'yang titigan! Kainan na —" Hindi natuloy ni Valkyrie ang akma nitong pagsigaw nang pasukan ni Michael ang bibig ni Valkyrie ng isang nirolyong papel.

Natawa naman ako nang patago habang ang lahat ay tawa nang tawa.

Napalingon naman ako kay Valkyrie na ngayon ay nakatitig ng madilim kay Michael habang hawak-hawak ng isang kamay ang papel na nirolyo ni Michael at ipinasok sa bibig n'ya.

"Ikaw na lalaki ka! Ang bastos-bastos mo!" Nanggagalaiti na sigaw ni Valkyrie habang pilit na ipinapasok sa bibig ni Michael ang papel na ipinasok ni Michael sa bibig n'ya. Todo iwas naman si Michael habang pilit na tinitikom ang bibig at pilit tinatago ang tawa na gustong kumawala sa kan'yang bibig.

"Ayiee!"

"Ayiee!"

"Tama na 'yan! Kumain na tayo!" Si Mama sabay lingon sa dalawa kong kaibigan na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kanilang ginagawa.

Agad namang huminto ang dalawa at agad ring lumipat ng puwesto si Valkyrie papunta sa puwesto ni Yvette. Malugod naman s'yang tinanggap ni Yvette habang tumatawa.

Pagkasabi ni Mama na kakain na, nagsimula nang umalis ang lahat hanggang sa ako na lang ang matira sa kinatatayuan ko.

Napangiti naman ako ng makitang nagkakasiyahan ang lahat.

Nasaan si Aeiou? Bakit hindi ko s'ya nakikita dito?

Pabalik-balik kong inililibot ang mga mata ko, umaasang makikita si Aeiou, ngunit ni bakas n'ya hindi ko makita. Kung kanina ay sobrang saya ko, ngayon ay nag uumpisa na akong kainin ng kalungkutan.

Bakit parang wala si Aeiou? Diba s'ya ang may kagagawan nitong lahat ng ito? Bakit wala akong nakikita na Aeiou?

"Nak, tara na kain na tayo."

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon