"Anong ginagawa mo, Aeiou?!" Natatawa kong tanong kay Aeiou habang ang katawan ay nakasandig sa pintuan.
Kapapasok ko pa lang dito sa kuwarto at agad na tumambad sa akin si Aeiou na para bang may hinahanap.
"Hoy, ano nga ginagawa mo? Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko ulit ng hindi n'ya sinagot ang tanong ko kanina. Agad naman akong napatayo ng maayos at naglakad papunta sa direksyon ni Aeiou. Nang nasa likod na n'ya ako agad ko s'yang yinakap ng mahigpit at naramdaman ko namang natigilan s'ya.
"Love you." Hagikgik ko habang ang baba ay nakapatong sa kan'yang balikat. Kahit nakatalikod ako sa kan'ya alam kong nakangiti s'ya. Mas lalo pa namang lumapad ang ngiti ko ng marahan n'yang hinaplos ang dalawa kong braso na nakayakap sa kan'ya nang mahigpit.
"I love you too, baby..." Si Aeiou sabay alis ng dalawang braso ko sa bewang n'ya. Agad naman akong napaayos ng tayo.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti nang hawakan n'ya ang dalawa kong pisngi.
"Nasaan na pala 'yong teddy bear?" Nakangiti n'yang tanong habang hindi pa rin inaalis ang dalawang kamay sa pisngi ko.
Bigla namang nangunot ang noo ko.
Anong teddy bear?
"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kan'ya. Hindi ko s'ya naiintindihan.
"'Yong teddy bear." Simple n'yang sagot sabay alis ng dalawang kamay sa pisngi ko. Nakatalikod na s'ya sa akin ngayon.
"Ano nga kasing teddy bear? Hindi kita naiintindihan."
Ano ba kasing teddy bear? Hindi ko talaga s ya naiintindihan. Wala naman akong naaalalang teddy bear, eh.
Napaangat naman ako ng ulo ng biglang humarap si Aeiou sa akin.
"'Yong binigay ko sa 'yo. Remember?"
Napalunok naman ako ng laway nang makitang biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha n'ya.
Galit ba s'ya sa akin?
"A-Anong teddy bear kasi? Wala naman akong naalalang may binigay ka sa akin na teddy bear, eh. May binigay ka ba talaga sa akin?" Mahinahon kong tanong kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako.
"'Yong teddy bear na ibinigay ko sa'yo bago ako umalis sa Zamboanga. 'Yong teddy bear na kulay puti at blue. Teddy bear na may hawak-hawak na puso at may laso s'ya sa ulo na kulay pink. Don't tell me hindi mo naaalala." Ngisi nya sabay talikod ulit sa akin.
Bakit ba ang hilig n'yang tumalikod. Parang hindi kami nag-uusap.
Napangiti naman ako nang maalala na kung ano ang teddy bear ang tinutukoy n'ya.
Naalala ko muntik ko nakg maitapon ang teddy bear na 'yon dahil sa sobrang galit. Pa'no ba naman kasi sabi n'ya liligawan daw n'ya ako pero makikita ko na lang na may kasama s'yang ibang babae sa bahay n'ya, sa KUWARTO N'YA. Kahit sino naman magagalit, diba? Manliligaw daw pero may kasamang iba. Ang sabi n'ya pinsan daw ng pinsan n'ya anh babaeng 'yon. Pero may gusto sa kan'ya ang babae kaya mas lalo akong nainis.
"Bakit mo pala naitanong?" Seryoso kong tanong kahit na gustong-gusto ko ng matawa.
"B-Bakit wala dito? I mean nasaan na pala 'yon?" Tanong n'ya pa ulit habang nakatalikod pa rin sa akin.
"Alam mo Aeiou ang bastos mong kausap. Nakatalikod ka sa akin habang nag-u—" Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin nang humarap na s'ya sa akin habang ang mga mata ay sobrang likot.
"Ayan nakaharap na ako sa iyo. So ano? Nasaan na 'yon teddy bear? 'Wag mong sabibin na itinapon mo talaga."
Napakagat labi naman ako. Pilit pinipigilan ang sarili na tumawa.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
عاطفيةSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...