CHAPTER 25

1K 39 4
                                    

"Fuck! Nasaan na kasi ang suklay ko?! Dito ko lang naman 'yon nilagay, tapos ngayon nawala na?! Ano 'yon, magic?!" Galit na sigaw ko sa akin sarili, habang pabalik-balik na hinahanap ang suklay kong nawawala.

For almost an hour, hindi ko pa rin nakikita ang suklay ko. Hinalughog ko na ang boung kuwarto ko, pero hindi ko pa rin makita-kita 'yong hinahanap ko. Nakakainis!

"Ma! Nakita mo ba ang suklay ko?!" Malakas kong sigaw. Baka kasi nakita nina Mama.

"Naku! Sydney! Mata ang gamitin, huwag ang bibig! Huwag mong pairalin 'yang katamaran mo!" Sigaw pabalik ni Mama na ngayon ay nasa kusina.

Napasimangot naman ako at napapadyak ng sahig. Nakakainis!

Bakit?! Kung nakita ko na ba 'yong suklay ko, magtatanong pa ba ako sa kanya, diba hindi na?! At tiyaka, halos isang oras ko nang hinalughog ang kuwarto ko, pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makita-kita ang hinahanap ko. Nakakainis.

Napahilot naman ako ng sintido, dahil sa frustration at inis na nararamdaman. Nafru-frustate ako dahil hindi ko pa rin nakikita abg suklay ko. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi ko na alam kung saan ko ba nailagay ang suklay ko.

Dahil naiinis ako, naisipan ko na lang ang bumababa ng kwarto. Feeling ko kasi na kapag magtatagal pa ako dito sa loob ng kuwarto ko, mas lalong madadagdagan ang inis na nararamdaman ko. Nang nasa labas na ako ng pintuan agad kong sinerado ng dahan-dahan ang pintuan. Baka kasi kapag padabog kong isinara ang pinto, sasabihin na naman ni mama na nagdadabog ako, at tiyaka ayaw kong mapagalitan, "no.

Nang nasa pangatlong baitang pa lang ako ng hagdanan may naririg kaagad akong boses na nag-uusap.

"Magandang umaga po Tito Mario."

Napatakip naman ako ng bibig nang marecognize ang boses na 'yon.

Its Aeiou!

"Oh, Zxavier, mabuti at naisipan mong bumisita." Natatawang sagot ni Papa. "Oh, maupo ka."

"Ah, sige po. Naging busy kasi ako Sir sa construction site namin. Nagkaroon kasi ng problema sa permit namin. Napaso, tapos 'yong inutusan kong magrenew ng bagong permit, eh, hindi pa pala nagagawa. Kaya 'yon."

Napatango-tango naman ako habang nakaupo sa unang baitang ng hagdanan. Linggo na din ang nakakalipas simula nang hindi na s'ya nagpapakita sa akin.
Akala ko nga sumuko na s'ya. Akala ko nga ayaw na n'ya akong ligawan kasi nga hindi na nagpapakita.

One time, nataymingan ko s'ya na papasok pa lang ng bahay n'ya, I think quarter to nine na 'yon. And I can't still sleep. So naisipan ko na sumilip sa bintana ko at nakita ko na kabababa pa lamang n'ya sa kotse n'ya.

"Ah, gano'n ba. Akala kasi namin na sinukuan mo na ang anak namin." Tawa ni Papa.

Bumilog naman ang mga mata ko at
baghagyang ngumisi. Same lang pala kami ng iniisip ni Papa.

"Ah hindi po. Bindi ko po susukuan ang anak n'yo, lalo na ngayon at alam kong mahal n'ya na rin ako."

Napaawang naman ang bibig ko sa narinig. 'Yong totoo?! Sinong nagsabi sa kan'ya no'n?! Ang lakas ng apog n'ya.

"Bilib rin ako sa confidence mo, Xzavier." Si Papa at bahagyang tumawa.

"Joke lang po, but I can feel it, malapit na n'ya akong sagutin."

"Well if that so?" Si Papa. "Sige puntahan mo na ang anak ko. Sigurado ako, missed na missed ka na no'n."

"Ah sige po, nasa taas po ba si Sydney?"

Wala naman akong narinig na sagot mula kay Papa. Kaya napakunot ako ng noo, at napatanong sa sarili. Pero ang lahat-lahat ng iniisip ko ay biglang mawala nang makita na nasa paahan ko na si Aeiou at paakyat na ito papunta sa taas.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon