"Hay naku! Buti at sinagot mo na ang tawag ko! Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot!"
"Ay wow? Wala man lang hello?" Sagot ng taong kausap ko sa kabilang linya.
Napasinghap naman ako. "Okay fine! Hello, Valkyrie, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Sarkastiko kong wika sabay irap.
Napaupo naman ako sa hamba ng kama habang nasa tenga ko pa rin ang cellphone.
"Sorry, okay? I'm busy. Kinacancel ko talaga ang lahat ng call n'yo." Bahagyang huminto si Valkyrie. "Bakit ba? Ano bang problema?"
"'Yong ID!" Sigaw ko sa kan'ya. Nanggigigil na ako sa ID na 'yan dahil d'yan nagseselos si Martin! Kahit na wala naman s'yang dapat na pagselosan!
"Huh? Ano namang mayroon sa ID?" Tanong n'ya sa akin at rinig na rinig ko ang pagkakanguya n'ya ng chicharon. Sure akong chicharon 'yon dahil sa tunog.
Naglalaway ako. Gusto kong kumain ng chicharon.
"Bakit nasa bag ko 'yong ID? Diba nasa iyo na 'yon no'ng isang araw?! Bakit pagtingin ni Martin sa bag ko andoon 'yon, huh?! Bakit mo binalik sa akin?!"
Nakakagigil na ID, halata talagang may dalang sumpa at malas sa relasyon namin ni Martin! Nang dahil lang kasi sa ID, nag-away ulit kami!
"Alam ko na 'to!" Si Valkyrie habang ang boses ay natatawa. "Nagseselos s'ya sa ID, 'no?!" Tawa n'ya ng malakas. "Tama ako, 'no?!" Tawa n'ya ulit sa kabilang linya.
"At talagang tumatawa ka pa? Masaya ka pa talagang nag-aaway na kami ng boyfriend ko?!" Singhal na tanong ko.
Wala s'yang kwentang kaibigan, dapat nga kinocomfort n'ya ako hindi 'yong pinagtatawanan n'ya ako.
"Bakit naman s'ya magseselos? Hindi mo ba sinabi na nakita mo lang 'yong ID?"
"Siyempre sinabi ko, pero hindi naman naniniwala sa akin si Martin. At alam mo pa ba, pinaghihinaalan n'ya ako! May iba daw ako —"
"So, kasalanan ko pa kung bakit kayo nag–away?" She cut my word. "Ako ba ang nakakita ng ID? Diba ikaw?"
Alam ko ako ang nakakita, ako 'yong nakapulot, pero sana naman hindi na n'ya ibinalik pa sa akin 'yong ID. Okay lang naman sa akin kung hindi na n"ya ibinalik, besides hindi ko naman kilala kung sino ang may ari no'n.
"Hindi sa gano'n. Ang pinupunto ko dito ay bakit mo pa binalik ulit sa bag ko 'yong ID?" Malumanay kong tanong sa kan'ya.
Ayaw ko s'yang pagtaasan ng boses dahil alam ko wala namang 'yong magandang maidudulot sa pag-uusap namin ni Valkyrie. Ayaw ko din dagdagan pa ang iniisip ko.
"Wala naman talaga akong balak na isauli ang ID sa'yo, infact I want it to be my souvenir. Sina Yvette, Camari at Delaney, sila ang sisihin mo, okay? 'Wag ako! They just forced me to put that ID inside your handbag."
"Bakit ka naman sumunod sa kanila?" Pataray na tanong ko.
Uto-uto.
"Eh sa pinilit nila ako at kinonsensya. Sabi kasi nila hindi naman daw akin 'yon, sa'yo naman daw 'yon, ikaw ang nakakita kaya dapat kong isauli sa iyo." Sagot n'ya sa akin habang ngumunguya na naman. Mas lalo akong naglalaway sa kinakain n'ya.
Hindi naman serado ang isipan ko para hindi maintindihan ang ekplanasyon n'ya, pero hindi din naman sa akin 'yong ID, walang nag-mamay-ari no'n sa amin. Hindi namin s'ya kilala. Oo ang pangalan n'ya ay Aeiou, pero hindi pa naman namin s'ya nakikita at nakikila so apparently hindi namin s'ya kilala.
"Oh ano? Gusto mo ba ibigay ko na lang 'yong ID sa'yo?" Tanong ko sa kan'ya.
"Okay lang ba sa'yo?" Balik n'yang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...