CHAPTER 39

1K 37 0
                                    

"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Aeiou sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.

Napalingon naman ako sa kan'ya at hindi kalaunan ay napangiti. "Very much...but I am a little bit nervous."

Nasa loob kami ngayon ng eroplano ni Aeiou. Kaming dalawa lang ang andirito. Private plane kasi. Si Yvette ang may pakana nitong lahat ng ito, ika n'ya 'dahil wala raw s'ya sa tabi ko no'ng mga araw na kailangan na kailangan ko ng kaibigan, ito na lang daw ang pambawi n'ya.' Manlilibre na lang daw s'ya ng flight pauwi ng Zamboanga.

"Nervous, why?" Tanong ulit ng katabi ko.

Napasinghap naman ako ng hangin at hindi kalaunan ay ibinuga na rin. "Nervous with everything. Kinakabahan ako sa mga taong makakita sa akin, sa atin. Kinakabahan ako sa sasabihin ng mga tao matapos no'ng sinabi mo kahapon. Natatakot ako ba baka may biglang—"

"Baby, everything is now okay. Everything is back in normal. Wala ng nang-babash sa'yo, wala na ring mga media na nangungulit sa'yo. Lahat sila sinusuportahan ka na. Lahat sila nasa tabi mo na. Lahat sila nagsosorry na sa iyo... at tiyaka kung may mangbabash na naman sa'yo, I'm just here, we're just here. Don't worry." Pagsasalita ni Aeiou at mas lalo n'ya pang diniinan ang pagkakahawak ng kamay ko upang iparamdam sa akin na nasa tabi ko lang s'ya.

Napaiwas naman ako ng tingin at itinuon ang buong atensyon sa labas ng bintana. Pagharap ko sa bintana agad na sumalubong sa akin ang mga asul at puting mga ulap na ngayon ay dumidikit sa bintana ng eroplano.

"But everything I have in life just faded away like an ashes." Ngiti ko ng mapait habang hindi pa rin nililingon si Aeiou. "Una dignidad ko." I stopped and blew some air. "Ang dignidad ko bilang babae nawala. Sinasabi nila na malandi ako. Kung anu-anong mga masasakit na salita ang tinatapon nila sa akin...hindi naman 'yon totoo, eh. Ang dignidad ko rin bilang tao nawala. Tingnan mo sina Tita at Ericka na hindi naman kasali sa issue ko nadamay, tinapunan ba naman ng kung anu-ano." Tawa ko nang peke habang pinipigilan ang sarili na umiyak. "T-Trabaho...nawala 'yong trabaho sa akin. Desisyon ko rin naman kung bakit ako umalis, kaya wala naman akong regrets, hindi naman ako nagsisisi kung bakit ako umalis sa mundo ng showbiz dahil alam ko na ito lang anf tanging paraan para maka-move ako, para malimutan ko ang lahat-lahat ng sakit na dinanas ko. Tapos 'yong—"

"Sydney...please stopped..." Pagpapahinto ni Aeiou sa akin sabay bitaw ng kamay ko. Napalingon naman ako sa kan'ya habang ang mga luha ay unti-unti ng nahuhulog. "Tapos na 'yon. Sa iyo na mismo nanggaling gusto mong makalimot, gusto mong magmove on. Pa'no ka nito makakamove kung inaalala mo na naman 'yan?" Tanong n'ya habang pinapahid ng marahan ang mga luha ko. "Pa'no ka makakamove on kung palagi kang umiiyak? Pa'no ka makakalimot kung palagi mong sinasaktan ang sarili mo? Lahat ng tao Sydney nakamove na. 'Yong mga tao nagsosorry na sa'yo, diba? Top trend pa nga ang #SorrySydney in both Facebook and Twitter." Tumawa ng peke si Aeiou. Pilit naman akong ngumiti.

Yes, it's true top trend na naman ako. Pero this time ibang emosyon na 'yong nangingibabaw sa akin. Kung dati umiiyak ako dahil nasasaktan ako kapag top trend na naman ang pangalan ko dahil sa issue, ngayon ay umiiyak pa rin ako pero dahil masaya na ako. Masaya ako dahil tinigilan na nila ako. Masaya ako dahil kahit hindi ko hiningi ang 'sorry' sa kanila, binigay pa rin nila ito sa akin, at masaya ako doon. Ayaw kong mamuhay ng may galit ang puso ko, ang hirap matulog at mabuhay kung gano'n. Ang hirap mamuhay kung puro galit at poot lang ang lumulukob sa puso ko. Ako lang ang nasasaktan at nahihirapan kapag may kagalit ako.

"Si April umalis para makamove-on. Ikaw umalis para makamove-on rin kaya sana gawin mo."

Hindi naman ako umimik. Nanatilinf tikom ang bibig ko habang nakatitig ng diretcho sa kan'yang mga mata. Ang lakas-lakas ng loob kong umadvice kina April na they need to move on, pero ako itong hindi pa kayang magmove-on. Mahirap kasi. Sobrang hirap.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon