"Sydney." Katok mula sa pintuan ko. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. Hanggang ngayon kasi umiiyak pa rin ako.
Agad namang pumasok si Tita Pinty na may dalang tray ng pagkain. Umupo naman ako nang maayos sa kama at ngumiti nang pilit.
"Kumain ka muna. Wala kang kain kagabi. ag-aalala na sina Mommy sa iyo." Wika ni Tita sabay lapag ng tray sa hita ko.
Hindi ako kumain kagabi, nasa loob lang ako ng kwarto at umiiyak. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Masakit isipin at tanggapin.
"Pinakinggan mo na naman ba ang audio?" Malumanay na tanong ni Tita .
Hindi ko naman s'ya sinagot dahil kinokontrol ko ang sarili ko na hindi umiyak.
Narinig ko namang napabuntong hininga si Tita. "Sydney," He touch my hair and lift my chin. "Diba sabi ko sa iyo magdeac—"
"Nagawa ko na Tita. Inoff ko na rin ang active status ko. Blinock ko muna ang lahat ng kilala kong mga reporter para naman may privacy ako." Putol ko sa dapat n'yang sabihin.
"Good, para naman hindi ka na pestehin ng media. Ako nga dinedeclined ko lahat ng tawag nila." Pagkukuwento n'ya sabay ngiti, hindi ko naman nagawang gantihan ang ngiti n'ya.
Napasinghap naman ako ng hangin at nararamdaman ko kaagad ang panginginig ng pang-ibaba kong labi. Gusto kong umiyak pero pagod na ako, kagabi pa ako umiiyak.
"Tita..." My voice broked. "Ang sakit..." Hindi ko na mapigilan ang maiyak. Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.
"Shh... I know, huwag mong pilitin ang sarili mong magmoved on agad. Alam ko, mahirap." Pag-aalo ni Tita sa akin.
"Hindi kasi Tita, eh. I waited him for his call pero wala...walang Martin na tumawag sa akin. Naghintay ako buong magdamag sa kan'ya...umaasa na ipapaliwanag n'ya sa akin ang lahat-lahat, pero wala..."
Isa na rin sa factor kaya ang laki-laki ng eye bags ko ay dahil hinihintay kong tumawag si Martin. Pero wala, eh, walang tumawag na Martin, walang Martin na nagpaliwanag sa akin.
Gusto ko sa kan'ya mismo manggaling ang sagot na hinihintay ko. Umaasa pa rin kasi ako na hindi totoo ang napanood ko.
"Understand him, Sydney. Pinagbawalan rin 'yon ng —"
"Tita kakampi ba kita?!" Pasigaw na tanong ko kay Tita. Lumambot naman ang ekpresyon ni Tita nang magtama ang mga mata namin.
"Oo naman, kakampi mo ako."
"Talaga Tita?" Tawa ko ng peke. "Why do you sound like you don't care for me? Like your side is on Martin? Sabi mo kakampi kita?" Hindi ko na mapigilan ang maiyak.
"Sorry, sorry, don't cry. Okay sorry, kaya siguro hindi tumatawag sa iyo si Martin ay —"
"Tita I don't need your explanation, I badly need Martin's explanation." Putol ko sa kan'ya.
Nakakainis lang, eh. Bakit feeling ko maa kinakampihan pa n'ya ang gago na 'yon?
"Kung...kung narinig mo na ba ang explanation n'ya ay —"
"No Tita. Para saan pa? Magkakaanak na s'ya." Kaagad kong sagot nang hindi pinapatapos ang tanong n'ya. Alam ko na kasi kung ano ang itatanong n'ya at ayaw ko 'yong marinig. Masakit, eh.
Sobrang sakit nang ginawa nila sa akin. Parang pinipiga at tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko. I know na sobrang OA ang pagkakadescribe ko nang nararamdaman ko, pero anong magagawa ko? 'Yon ang nararamdaman ng puso ko. Pinagkatiwalaan ko kasi s'ya, sila. Ang sabi kasi n'ya sa akin magkaibigan lang sila, pero iba na pala. Ang tanga ko sobra.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...