CHAPTER 35

1K 36 0
                                    

Nagising ako nang may maramdamang mabigat na kung ano sa may tiyan ko. Pagmulat ko ng mga mga mata ko nakita ko ang braso ni Aeiou na nakadantay sa tiyan ko.

Napangiti naman ako nang mapait.

Bakit andito pa rin s'ya? Bakit nag-s-stay pa rin s'ya sa akin kahit na pinapaalis ko na s'ya? Bakit andito pa rin s'ya kahit na tinutulak ko na s'ya? Bakit pinipilit n'ya pa rin na kami pa din kahit na nakipaghiwalay na ako sa kan'ya?

Dahan-dahan ko namang inalis ang braso n'ya na nakayakap sa akin ng mahigpit. Nakalikod ako sa kan'ya habang s'ya naman ay nahakarap sa akin. Dito s'ya natulog kagabi. Nagpumilit kasi s'ya kay Tita na dito s'ya patulugin at naawa naman si Tita sa kan'ya. Ika n'ya kahit sa sala na lang daw s'ya matulog basta daw dito lang s'ya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, kaya nasabi ko na sa kuwarto ko na lang s'ya matulog. Hindi ko nga alam kung bakit ko 'yon nasabi. Siguro naaawa ako, ayaw ko kasi s'yang patulugin sa sofa, maiinit doon at minsan ay malamok pa. Kahit anong tanggal pa man ang gawin ko sa kan'yang braso sa may tiyan ko, hindi pa rin ako nagtatagumpay. Kapag pinipilit kong alisin ang braso n'ya mas lalong humihigpit ang pagkakayakap n'ya sa akin. I think gising na s'ya.

"Aeiou..." Mahinang tawag ko sa pangalan n'ya habang pinipilit na alisin ang braso n'ya na nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Good morning, baby..." Malambing nyang pagsasalita. Naramdaman kaagad ng batok ko ang init na galing sa kan'yang bunganga, medyo nakataas kasi ang buhok ko. "How's your sleep?" Tanong n'ya pa.

"Pwede bang tanggalin mo 'yang braso mo na nakayakap sa akin?" Mahinahon kong tanong. Pinipigilan ko lamang ang sarili ko na pagtaasan s'ya ng boses. Umagang-umaga sisigaw ako?

"Harap ka muna sa akin." Tawa n'ya nang mahina at mas lalo pang idinikit ang kan'yang katawan sa likod ko. "I love you, baby..." Bulong n'ya sa mismong tenga ko sabay halik sa pisngi ko.

Gusto kong kiligin, gusto kong ngumiti, gusto kong maging masaya kasi ito ang unang beses na maging magkatabi kami sa pagtulog, ito ang unang beses na sa iisang kuwarto lamang kami natulog. Pero bakit imbes na saya ang mamutawi sa puso ko, bakit hapdi at sakit ang naramdaman ko?

"Umayos ka nga, Aeiou! Ano ba?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapataas ng boses. "Tanggalin mo sabi 'yang braso mo, kung makayakap parang mawawala ako. Nakakagigil 'to!" Sigaw ko ulit at puwersahang inalis ang braso n'ya na nakayakap sa akin.

Naramdaman ko namang napaayos s'ya ng higa at ngumisi. "Nakakatakot lang kasi ako na baka paggising ko wala ka na, baka aalis ka, baka paggising ko hindi na kita katabi." Pagsasalita n'ya sabay hilig ng kan'yang ulo papunta sa direksyon ko.

Napaupo naman ako mula sa pagkakahiga, at nang nakaupo na ako agad kong ginulo ang buhok ko.

"At saan naman ako pupunta? Hindi nga ako pinapalabas ng condo nina Tita, tapos aalis?" Natatawa kong iling. Naramdaman ko namang gumalaw ang kama, at napahinto ako sa pagtawa nang maramdaman ulit ang braso n'ya na nakayakap nanaman sa akin nang mahigpit, habang ang kan'yang baba ay nakapatong sa balikat ko.

"Baka lang kasi eh. Sorry, huh?" Tawa n'ya ng peke. "Napakapraning ng boyfriend mo. Ano lang kasi Sydney, hindi ko naman kasi alam kung ano abg tumatakbo sa isipan mo, baka mamaya maisipan mo na namang makipaghiwalay sa akin. Baka mamaya maisipan mo na namang paalisin ako dito, kaya sinusulit ko lamang ang pagkakataon na magkasama tayo at nayayakap kita nang mahigpit. Kasi, S-Sydney...mahal na mahal kita. At kahit anong pilit mo na makipaghiwalay sa akin, hindi pa rin ako papayag. Kung gusto mo ng space sabihin mo lang kasi ibibigay ko naman sa'yo, kasi naiintindihan kita, alam ko masakit at mahirap itong pinagdaraanan mo. P-Pero, Sydney, kung pagod ka na... andito lang naman ako. Kung pagod ka na andito lang naman kami, h-hindi kita iiwan, hindi ka namin iiwan." Mahabang pagsasalita n'ya at ramdam na ramdam kong pinipilit lang n'ya lamang ang sarili n'ya na huwag umiyak.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon