CHAPTER 20

1.3K 64 22
                                    

"Sydney..."

"Sydney, gising.."

"Ma, alis, inaantok pa ako!" Pagtataboy ko kay Mama. Sure akong si Mama ang gumigising sa akin. Sa boses pa lang kasi alam ko na kaagad na si Mama ang nasa gilid ko.

"Si Xzavier, andito."

Para akong nabuhay sa mahaba kong pagkakatulog dahil sa narinig. Kaagad na nawala ang antok ko, at mabilis pa sa alas-kuwatro ang naging kilos ko. Agad akong bumangon at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Aeiou sa tabi ni Mama na nakatayo.

Anong ginagawa n-ya dito?!

"Hello, Sydney!" Kaway nito habang nakangiti.

Shit! Agad kong chineck ang mga dalawa kong mata baka kasi may muta ako. Nakakahiya.

''O s'ya, maiwan ko na kayo." Si Mama sabay tayo sa pagkakaupo. Agad rin s'yang lumakad papalabas ng kuwarto ko. "Ay oo nga pala, mag-ingat kayo sa pupuntahan n'yo." Ngumisi ni Mama sabay kindat sa akin. "Xzavier, may tiwala ako sa iyo kaya sana huwag mong baliin." Nilingon ni Mama si Aeiou nang may matatalim na mga mata.

Huh? Di ko gets.

Bago pa man ako makatanong kay Mama kung ano ang sinabi nito kanina ay binuksan na nito ang pintuan at lumabas na.

"Uhh...Sydney." Si Aeiou sabay upo sa inupuan kanina ni Mama.

Napaayos naman ako ng buhok nang wala sa oras sa pamamagitan ng pagsusuklay nito gamit ang mga daliri ko. Baka kasi mukhang bruha ako. Pasimple ko ring inamoy ang bibig ko baka kasi mabaho at tama nga ako. Mabaho amoy patay na daga. Shit. Siguro hindi na lang ako magsasalita, para hindi n'ya maamoy ang bibig ko. Nakakahiya kasing magsasalita tapos 'yong bibig ko mabaho.

"What are you doing?" Natatawang tanong ni Aeiou sabay lagay ng mga takas kong buhok na tumatakip sa mukha ko sa likod ng tenga ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa n'yang 'yon. Hindi ko 'yon iniexpect.

Pasimple naman akog umurong patalikod para kahit papano ay mawala-wala ang kaba sa puso ko. Sobrang bilis na ng tahip ng puso ko.

"Are you avoiding me?"

"Uhh...no...I-I'm just shocked na nandito ka." Usal ko sabay ngiti ng pilit. Hindi ko naman kasi talaga inaasahan na pupunta s'ya dito. Wala ba s'yang trabaho?

"Ayaw mo bang nandito ako?"

"U-hhh..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kan'ya. Natatakot kasi ako na baka mamis-interpret n'ya ang magiging sagot ko. "Hindi naman Aeiou, I'm just shocked. Wala ka bang trabaho sa construction site?"

Umayos naman si Aeiou sa pagkakaupo at bahagyang umurong papalapit sa akin.

Tangina! Kinakabahan ako! Ano ba kasing ginagawa n'ya dito? Hindi ako nainform na pupunta pala s'ya. Kung alam ko lang edi sana maaga akong nagising, edi sana hindi n'ya ako nakita sa ganitong mukha. Makakahiya, baka may basang muta ako, 'yong bibig ko mabaho, tapos baka may tuyong laway pa ako sa gilid ng bibig ko.

"About the kissed last night.."

Natigilan ako dahil sa sinabi na 'yon ni Aeiou. Nakatitig lamang ako sa kan'ya pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko doon o gagawin. Parang may kung ano ding gumagalaw sa tiyan ko.

Shit. Baka bulati? May bulati ako?

"A-Ah, Aeiou, maliligo na muna ako. Hehehe." Wika ko at bumaba na ng kama.

Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa halik kagabi. Para akong nahihiya dahil tinugon ko 'yong halik n'ya na 'yon at naiinis din ako. Naiinis ako dahil tinugon ko ang halik n'ya. Hindi kami ni Aeiou. Walang namamagitan sa amin. Pero hinalikan n'ya ako at tinugon ko.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon