CHAPTER 8

1.1K 68 33
                                    

"Sydney, thank you sa food." Pagpapasalamat sa akin ng mga staff sa drama na ginagawa namin.

"Oo walang anuman. Malakas kayo sa akin eh!" Sagot ko sa kanila habang tinatanguhan sila isa-isa.

Kanina kasi naisipan kong magpacater ng pagkain dito sa construction site, mabuti na nga lang at pumayag si Aeiou sa kagustuhan ko.

Hindi ako nagpacater para sa wala lang, pagpacater ako dahil buntis na si  Camari! Magiging ninang na naman ako! Sure akong kukunin akong Ninang ni Camari dahil magkaibigan kami, at masaya ako kapag kinukuha akong Ninang ng mga kaibigan ko.  Wala naman akong problema sa pagreregalo, hindi naman kasi ako tulad ng ibang ninang na nagtatago kapag Christmas na o birthday ng inaanak.

"Sydney hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nila sa akin habang nililigpit ang mga ginamit namin kanina sa shooting.

Nagsimula na ang shooting namin kanina at madali lamang naman itong natapos dahil hindi naman ganoon kadami ang pagkakamali na nagawa namin kanina habang nagshoshooting.

"Ah hindi pa po, hinihintay ko pa po kasi si Tita Pinty." Sagot ko sa kanila.

Excited na akong mag aalam kay Tita na mauna na s'yang umuwi kasi dadaan pa ako sa bahay nina Camari para sa mga sasabihin nila, excited na talaga ako. Kahapon ko lang nalaman na three weeks pregnant na pala si Camari, kaya pala ang init ng ulo n'ya kay Sergie, buntis na pala ang gaga.

"Ahh gano'n ba, sige." Tumango-tango sila. "Mauna na kami, bye!" Pagpapaalam nila sa akin. Kumaway na rin ako sa kanila.

Ang tagal namang umuhi ni Tita. Sabi n'ya kasi iihi lang daw s'ya, pero kanina pa s'ya nagpaalam at hanggang ngayon ay wala pa rin s'ya.

Ano na kaya ang ginagawa n'ya sa CR?

"Sydney...."

Nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko, agad kong inangat ang ulo ko at agad na nakita ang nakangiting mukha ni Aeiou, kaya nginitian ko rin s'ya.

"Yes?" Tanong ko sa kan'ya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi.

"Uuwi ka na ba?" Tanong n'ya sa akin sabay upo sa tabi ko. Medyo umurong naman ako para bigyang distansya ang mga katawan namin.

Mahirap na, andito pa naman ang ibang staff ay crew ng drama namin. Baka ano pa ang isipin nila. Ayaw ko namang mapagaya kay Jenilyn, 'no.

"Uh hindi pa, eh," Iling-iling ko sa kan'ya. "Mauna na kayo ni Tita Pinty, dadaan pa kasi ako sa bahay ng kaibigan ko." Sagot ko.

Sa pagkakataong ito sasabay ako at si Tita Pinty sa kan'ya dahil magkatapat lang naman ang mga bahay namin at alam kong aware ang mga staff at crew dito.

"Ah ganon ba, ihahatid ko sana kayo..."

Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi n'ya at sa hindi malaman na dahlan biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ah...si Tita Pinty na lang ang ihatid mo..." Mahina kong sagot sa kan'ya nang makitang napalingon ang isang staff sa gawi namin.

"Sydney," Sabay kaming napalingon ni  Aeiou nang marinig namin ang maarteng boses ni Tita Pinty. "Tara na uwi na tayo." Pagsasalita ulit ni Tita Pinty habang ang tono boses n'ya ay hindi pa rin nagbabago.

Hindi naman ako nagsalita nang sabihin 'yon ni Tita Pinty, tumayo lang ako sa pagkakaupo ko at pinagpagan ang short na suot ko.

"Ah Tita," Pang-aagaw ko ng pansin n'ya at naagaw ko naman ito. "Ano kasi...magpapaalam ako sa iyo..." Pagsasalita ko habang nagpapacute sa kan'ya.

"Saan ka pupunta?" Agad nitong tanong sa akin sabay baling ng atensyon kay Aeiou. Tumaas naman ang isa n'yang kikay. "Kayong dalawa?" Ang kaninang maarte n'yang boses ay naging strikto. Napalunok naman ako ng laway nang ituro n'ya kaming pareho ni Aeiou.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon