CHAPTER 24

904 36 5
                                    

"Sydney, anak.." Katok mula sa pinto ng kuwarto ko.

"Ma, pasok." Sagot ko naman. Alam ko na si Mama ang kumakatok mula sa pinto, madali lang kasing marecognize ang boses n'ya.

Agad namang pumasok sa loob ng kuwarto ko si Mama habang may dala-dalang cellphone.

"Manager mo tumatawag, gusto ka raw makausap, namimiss ka na siguro no'n." Si Mama sabay tawa ng mahina. Inaabot n'ya ngayon sa akin ang dala-dala n'yang cellphone.

Kahit naguguluhan ay tinanggap ko pa rin ang cellphone.

Bakit kay Mama pa s'ya tumawag kung puwede naman sa cellphone ko?

"O sya, alis muna ako, mamamalengke pa kasi ako." Nagpaalan na si Mama sabay tango sa akin. Ngumiti lamang naman ako bilang sagot at inilagay sa tenga ang cellphone.

"Hello?"

"Sydney! I missed you! Sobra!"

Nang marinig ko ang malakas na boses na 'yon ni Tita, kaagad kong inilayo ang cellphone sa tenga ko. Para akong nabingi do'n.

Makaraan ang ilang segundo ay binalik ko na ulit ang cellphone sa tenga ko.

"Hell, Tita?"

"Ay and'yan ka pa pala? Akala ko pinatay mo na. By the way, musta? Anong balita sa iyo? Sa inyo ni Aeiou?" Sunod-sunod n'yang tanong na para bang naeexcite s'ya.

"Tita, isa-isa lang, mahina ang kalaban." Tawa ko pero sa totoo lang ay may bahid na rin ng inis ang boses ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, basta naiinis ako.

"Sige, ano kumusta na?"

Humiga muna ako sa kama nang may nakalolokong ngisi sa labi bago s'ya sagutin. "Heto tita, maganda pa rin."

Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang naiimagine ko na ang nakangiwing mukha ni Tita Pinty dahil sa sinabi ko.

"Umayos ka nga d'yan Sydney, tinatanong kita ng maayos." Pagalit na usal sa kabilang linya.

Napangiti naman ako ng peke. Ayaw n'yang maniwala na maganda ako?

"Ano na Sydney? Tinatanong kita, ano? Kumusta ka na?"

"Ayos naman ako, Tita. Masaya ako." Ngumiti ako para pangatawan ang sinabing masaya ako.

"Masaya ka? Bakit?"

Tinatanong pa ba kung bakit masaya ang isang tao? Kailangan pa ba 'yon sagutin?

"Anong bakit, Tita? Kailangan pa ba ng ekplanasyon, para sabihin na masaya ang isang tao?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

Hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan ng ekplanasyon, hindi porque masaya ka, eh, may meaning na 'yon, hindi ba puwedeng masaya ka lang? Hindi ba pwedeng ngumingiti ka lang kasi gusto mo?

"Oo, lahat ng bagay may ekplanasyon, kung papano ito nabuo, o paano ito nawala. And in your case, I know you're happy because Xzavier is courting you. Diba tama ako?"

Napahinto naman ako, at hindi alam kung ano ang isasagot sa kan'ya. Pa'no nya nalaman na nililigawan ako ni Aeiou? Ni hindi nga ako sa kan'ya nagkukuwento, eh. Siguro sina Mama ang nagkuwento.

"I know what you're thinking. I am your manager Sydney, kaya lahat ng tungkol sa'yo ay alam ko, lahat ng nangyayari sa'yo ay may alam ako, kaya huwag mo nang ikaila, kasi alam ko na." Seryoso n'yang saad nang hindi man lang ako nagreact o sumagot sa sinabi n'ya.

"Okay fine, nililigawan ako ni Aeiou, but it doesn't mean na kami na, nilili—"

"Eh, doon na rin 'yon paputa."

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon