CHAPTER 9

1K 58 27
                                    

"Aeiou, dito na lang. Huwag mo ng ituloy ang sasakyan mo sa tapat ng bahay namin." Pagpapahinto ko sa kan'ya.

Natatakot ako, natatakot akong makita ako ni Martin na magkasama kami ni Aeiou. Alam kong wala kaming relasyon ni Aeiou at wala akong tinatago, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan at matakot.

"Ah, sige." Sagot ni Aeiou at agad na inihinto ang sasakyan.

Matapos n'yang ihinto ang sasakyan, wala pasabi ay lumabas agad ako ng kotse niya at agad na naglakad nang normal. Laking pasasalamat ko na lang at wala ng naglalakad dito sa may amin, kasi kung mayroon, nakakahiya. Nakakahiya na makita nilang lumabas ako sa sasakyan ng kapitbahay namin, tapos lalaki pa!

Palihim naman akong napalingon sa likod ko nang marinig ang paggulong ng gulong ng sasakyan, at alam kong kay Aeiou iyon, dahil wala namang ibang sasakyan mula sa likod ko kundi 'yong kaniya lang naman. Mabuti na nga lang at naiintindihan ni Aeiou ang bawat senyas na ginagawa ko gamit ang mga daliri ko na nakatago sa likuran ko.

Ano bang ginagawa ni Martin dito? Hindi ako aware na pupunta pala s'ya dito. Sana naman sinabi n'ya, para hindi ako kabahan nang ganito ngayon.

Habang naglalakad ako ay nakasunod sa akin ang kotse ni Aeiou pero hindi ko naman s'ya pinapansin para hindi kami mahalata ni Martin.

Iba kung magalit at magselos si Martin at ayaw ko 'yong mangyari. Ayaw ko na mas lalo madagdagan ang galit ni Martin sa akin. Ayaw ko.

Nang papalapit na ako nang papalapit sa bahay namin, agad na natanaw ng mga mata ko si Martin na naghihintay sa labas ng bahay namin.

Seriously?! Hindi s'ya pinapasok ni Tita Pinty sa loob ng bahay namin?!

"Martin!" Kahit kinakabahan ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na ngumiti nang malapad habang tinatawag ang pangalan n'ya. Nang marinig ni Martin ang pagtawag ko sa kan'ya, tumayo na kaagad ito mula sa pagkakaupo sa isang malaking bato na nasa tapat lang naman ng gate namin.

I feel pity for him. Siguro, kanina pa s'ya naghihintay dito sa labas ng bahay namin.

Nang nasa tapat na namin ang isa't isa, wala na akong sinayang pa na minuto at agad na yinakap si Martin namg mahigpit. Hindi ko naman naramdaman ang pagtugon ng kan'yang mga braso sa yakap na ginawa ko, pero wala na akong pakialam dito.

Namissed ko s'ya, sobra. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula no'ng huli kong tawag sa kaniya, at nag-away pa talaga kami no'n.

"What are doing here?" Nang makontento na ako sa pagyakap sa kan-ya, inalis ko na rin ang dalawa kong braso sa bewang n'ya, pero hindi ang mga mata ko. Nakangiti pa rin ako mapasahanggang ngayon.

Napalunok naman ako ng laway nang hindi ngumiti o nagpakita man lang ng ekpresyon sa mukha si Martin nang itanong ko 'yon sa kan'ya.

May problema ba sa sinabi ko? May mali ba?

"Why I am here?" Pagbabalik n'ya sa tanong ko sa kan'ya. Hindi ko naman magawang tumango. Eh, ikaw bakit gabi ka na umuwi sa bahay n'yo?" Tanong n'ya pabalik sa akin nang hindi sinasagot ang tanong ko.

"Galing ako sa bahay nina Camari. 'Yong kinasal last year, buntis na kasi." Ayaw kong maghinala si Martin sa sinabi ko sa kaniya, kahit na totoo naman ang sinabi ko, kaya kahit ayaw na ng mga labi ko ang ngumiti, ngumiti pa rin ako sa kan'ya.

Katulad kanina, hindi ulit nagreact si Martin sa sinabi ko. Tiningnan n'ya lang ako ng diretcho sa mga mata, na para bang may hinahanap s'yang mga kasugutan mula doon. Hindi naman ako natinag sa paraan n'ya ng pagtitig sa akin, tinitigan ko rin s'ya kagaya ng pagtitig niya sa akin. Ayaw kong iwasan ang mga mata n'ya, baka kasi sabihin n'yang nagsisinungaling ako kahit hindi naman totoo.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon