"Yes po Ma, nasa NAIA na ako." Sagot ko sa tanong ni Mama. Naglakakad na ako ngayon sa pasilyo ng NAIA habang hila-hila ang isa kong maleta at nasa balikat ko naman ang isa kong back pack.
"Mabuti at gano'n. Nagkita na ba kayo ni Pinty? Nand'yan na ba s'ya?" Tanong ulit ni Mama.
Napahinto naman ako sa paglakakad at napangiti ng sarkastiko. Ang daming tanong ni Mama, kanina pa s'ya tanong nang tanong.
"Ma, kalalanding lang ng eroplano na sinakyan ko."
"Ah ganon ba. Sige na, mukhang nagagalit ka sa sa dami ng tanong ko. Basta tawagan mo ako kapag nasa condo ka na."
"Sige po Ma. Bye!" Ngiti ko sabay patay ng tawag.
Matapos ang ilang linggo ng paghihintay, sa wakas makakabalik na rin ako sa Manila. Napag-usapan namin ni Tita no'ng isang araw na babalik na ako ng Manila, patay na rin kasi ang issue tungkol sa amin ni Martin at April, mukhang nakamoved na ang mga tao dahil may bagong issue na naman silang pinagpipyestahan.
Nakafull attire ako ngayon. Natatakpan ng itim na sun glasses ang mga mata ko, habang nakasuot naman ako ng maroon na jacket. Ganito ang parati kong suot kapag babalik na ako ng Manila, ayaw ko kasi na pagpyistahan ako ng mga tao. Hindi na rin ako nagmake-up para hindi nila ako makikilala.
Walang masyadong tao ngayon sa NAIA, hindi punuan ang mga waiting area, hindi tulad nang dati na palaging puno at minsan pa nga ay sa sahig na umuupo ang ilang mga pasahero.
Habang naglakakad ako palinga-linga ako ng tingin, hinahanap ko kasi si Tita Pinty, sabi n'ya kasi s'ya ang susundo sa akin. Napahinto naman ako sa paglakakad namg may maramdaman akong katawan ma bumunggo sa akin.
"Ouch...." Mahinang daing ko sabay hinto sa paglakakad. Agad naman akong napaharap ng tingin at napalaki ng mga mata.
Bata 'yong nakabunggo sa akin at umiiyak na s'ya ngayon!
"Mama!" Sigaw ng batang nakabanggan ko sabay iyak ng malakas.
Agad naman akong nagpanic at agad na inalo-alo ang batang babae na ngayon ay nakaupo sa sahig habang umiiyak pa rin.
Jusko! Kinakabahan na ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung papano umalo ng bata!
"Don't touch me!" Maarteng sigaw n'ya.
"Baby, sorry, sorry. Hindi sinasadya ni Ate." Sabi ko sabay squat sa kan'yang harap. Pinupunasan ko na ngayon ang kanyang dalawang matatambok na mga pisngi. Habang pinupunasan ko ang kanyang mukha, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanyang hitsura. Medyo namumula ang kan'yang mga mata ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ko makita ang kan'yang kulay chokolate na mga mata. Medyo kulot rin ang kan'yang buhok at itim na itim ito. Naaalala ko tuloy si Aeiou sa kan'ya.
"Britney!" Sigaw mula sa aking likod. Kahit hindi ko makita ang kan'yang mukha alam ko na s'ya ang Nanay nitong bata. "Bakit ka umiiyak?!" Agad n'yang tanong sabay karga sa bata.
"Ma'am pasensya na po kayo. Nagkasalisihan kasi kami." Pagsasalita ko. Alam kong aksidente lang ang nangyari at walang may gusto ng nangyari.
"Ayos lang." Sagot naman ng babae habang ang boung atensyon ay nasa bata. "Basta sa susunod tingin-tingin rin tayo sa dinaraan natin."
Ngumiti na lang naman ako sa kan'ya. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nadapa ang bata. Pure na aksidente lang naman ito. At tiyaka, sa sarili n'ya dapat 'yon sinasabi at hindi sa akin. Iniwan n'ya na lang basta-basta ang anak n'ya.
"Sige po, mauna na ako." Ngiti ko sabay tango. Maglalakad na sana ako nang bigla n'ya akong pigilan.
"Familiar talaga ang boses mo." Pagsasalita n'ya habang ang kan'yang kanang kamay ay nasa braso ko. Napapalingon naman ako sa kamay n'ya na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Mukhang ayaw n'ya akong paaalisin.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...