CHAPTER 17

974 67 25
                                    

"Magandang umaga mga ka-talk! Ako ang inyong lingkod na si Sheila Mae Zocoro, at ngayon ay nasa One Talk with Shiela ka!" Sigaw ni Shiela sa mismong camera habang tinuturo-turo ito.

Shiela is one of the known journalist here in the Philippines. Galing s'yang ADC entertainment kaya sa kan'ya ko napiling magpainterview. Hindi dahil sa iisang company lamang kami nagtratrabaho kundi dahil alam kong hindi s'ya biased. Hindi ko alam kung ano ang mga itatanong nila sa akin kaya hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.

"Ngayon makakapanayam natin ng live!" Energetic n'yang sigaw sabay lingon sa akin. "Si Sydney Mavis. Ngayon malalaman natin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kanila ni Martin, bakit sila naghiwalay at kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan." Usal nito habang hawak ang bondpaper sa kan'yang kamay. Sa tingin ko hindi s'ya ang nag-isip ng mga katanungan, dahil kapag may ini-interview itong si Shiela ng mga kapuwa ko artista ay wala s'yang hawak na bond paper, pero ngayon mayroon na, at sa tingin ko ay marami-rami ang itatanong n'ya sa akin.

Dapat kahapon pa ako nagpainterview sa kan'ya kaso nagkaroon ng problema. Sumakit ang ulo ko at sumuka, siguro dahil ito sa hindi tama ang oras ng pagkain ko at siguro dahil sa kaiiyak ko, pero ngayon ay maayos naman na ang pakiramdam ko.

"Mga ka-talk, itong interview na ito ay hindi scripted, okay? Walang kaalam-alam si Sydney sa mga itatanong natin mga ka-talk." Usal ni Shiela saba lingon sa akin. Ginawaran ko lang naman s'ya ng tipid na ngiti.

Hindi kita sa aking mukha na kinakabahan ako but deep inside nilalamig na ako at gusto ko ng mahimatay dahil sa sobrang kaba at takot. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Natatakot ba akong sumagot sa mga tanong nila? O natatakot akong malaman nila ang totoong dahilan ng break up namin ni Martin?

Bago pa man ako himatayin dito sa mismong show ni Sheila ay nagsimula na s'yang magtanong.

"Diretiyahang tanong Miss Sydney, kating-kati na kasi akong tanungin ito sa'yo."

Nakisabay naman ako sa tawa na 'yon ni Sheila kahit ang totoo ay hindi ako natawa.

"Netizens right now have only one question..." Huminto ito at lumunok ng laway. Mukhang kinakabahan rin s'ya sa sarili n'yang tanong. "Bakit kayo naghiwalay ni Martin? Alam kong napanood mo na ang interview ko kay Martin at 'yong kumakalat na confession video ni April. It's now rooming in different social media platform kaya malabong hindi mo pa ito napapanood. Magkaiba ang sagot ng dalawa. Ang sagot ni Martin ay nagcheat daw s'ya kaya kayo naghiwalay, habang ang sagot naman ni April ay hindi ka na daw mahal ni Martin kaya kayo naghiwalay. So...ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan ninyong dalawa? Is this because Martin cheated on you? Or Martin fall out love?"

Ano ba 'yan feeling ko isa akong candidate ng Miss Universe dahil sa tanong n'ya na 'yon.

Ngumiti naman muna ako bago sagutin ang tanong n'ya na 'yon. "Totoong hiwalay na kami ni Martin, magto-two weeks na rin siguro?" Hindi siguradong usal ko. "Naghiwalay kami ni Martin dahil sa audio video na kumakalat..." Huminto ulit ak habang binabalikan ang mga sandaling pinakikinggan ko nang paulit-ulit ang audio habang pinipilit ang sarili na huwag maniwala doon, pero alam kong totoo ang mga nariring ko, evidence can't lie ika nga nila. "Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagcheat o nafall out love, pero alam ko na nagsisimula na akong magmove on sa kan'ya. 'Yong huling dalawa mong tanong na nagcheat ba si Martin kaya kami naghiwalay at nafall out love ba si Martin kaya kami naghiwalay, ang sagot ko d'yan ay yes and may be." Matapang kong sagot. "He cheated on me that's why we broke up. Ang isang tao hindi 'yan magche-cheat kung talagang mahal n'ya ang karelasyon n'ya. In our case, he cheated on me because may be... just a may be he fall out love."

"May be? You're not sure if Martin really fall out love. Pero ang sabi mo kanina hindi magche-cheat ang isang tao sa karelasyon n'ya kung talagang mahal n'ya ito, in your case, ikaw mismo ang nagsabi na nagcheat si Martin."

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon