"P-Papano natin ito sasabihin sa kanila? Sa mga tao? Kay Sydney? Sa ADC?"
Napahinto ako sa paglakakad at agad na nagtago nang marinit ang seryosong pag-uusap nina Tita at Ericka sa sala. Pupuntahan ko sana sila kasi gusto ko silang tanungin king bakit palagi silang wala sa condo, pero nang marinig kong mabanggit ni Ericka ang pangalan ko agad akong nagtago.
"Hon, don't stress yourself? Bawal yan sa 'yo. What did your doctor told yesterday?" Si Tita sabay yakap ng mahigpit kay Ericka.
Napakunot naman ako ng noo habang ang utak ay naguguluhan.
Doctor?
Pa'no at bakit naman nasali ang doctor sa usapan?
"But I'm scared. Our love is forbidden. Bawal ito sa trabaho natin." May bahid ng takot ang boses ni Ericka habang nakatitig sa mga mata ni Tita. Nakita ko namang napabuga ng hangin si Tita.
May dapat ba akong malaman bukod sa relasyon nilang dalawa? I'm aware na may relasyon sila, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko parang may mali at iba.
"Ano ba ang gusto mong gawin natin?" Naglalambing na tanong ni Tita sabay halik sa noo ni Ericka.
Napangiti naman ako at medyo kinilig sa nakita ko. Kung dati ayaw na ayaw n'yang dumikit or humalik man lang kay Ericka, pero ngayon...kung makabalik at makayakap...
"I don't know? I'm scared. Pa'no kung malaman nila na —"
"Hon. Don't. Stress. Yourself." May pinalidad ang boses ni Tita sabay ayos ng buhok ni Ericka.
Bakit naman hindi s'ya puwedeng ma-istress?
Ano bang mayroon?
Nanatili pa rin ako sa aking pinagtataguan. Nakalitaw laang ang aking ulo habang ang katawan naman ay nakatago sa pader.
Nacucurios na ako sa kanilang dalawa lalong-lalo na kay Ericka. May sakit ba s'ya, kaya bawal s'yang maistess? Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko at parang gusto ng sumabog ang utak dahil sa dami nito. Kating-kati na ang dalawa paa ko at ang aking bibig para magtanong kung may problema ba. Pero may pumipigil sa akin para gawin ito. I think 'yong curiosity ko ito.
"Matagal pa matatapos ang kontrata ko sa ADC. Next year pa. Karerenew ko lang kasi last month." Si Ericka sabay hilamos ng kan'yang mukha.
What does she mean? Gusto na n'yang umalis sa ADC? She wants to leave our company?
"Hindi pa naman gano'n kahalata ang tiy—"
"Pero mahahalata rin nila ito. I'm two weeks pregnant. Sa tingin mo hindi lolobo ang tiyan ko? Sa tingin mo ba hindi nila malalaman na buntis ako? I can't wait, Hon. Ang tagal pa ng next year." Hindi mapakaling usal ni Ericka habang ang dalawang palad ay nakahilamos pa rin sa mukha. "Bakit pa kasi ako nagrenew ng kontrata ko? Sana pala hindi na lang..."
Kaagad na umawang ang bibig ko at parang biglang umurong ang curiosity ko nang marinig na buntis si Ericka. Kumakabog na din ng malakas ang puso ko.
ang kaba at takot para sa kanila.Kaya ba palaging wala silang dalawa sa condo kasi nagpapackeck-up sila? Kaya ba palaging mainit ang ulo ni Ericka sa akin dahil buntis s'ya? Kaya ba alagang-alaga ni Tita si Ericka dahil may laman na ang tyan ni Ericka?
Samot-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Samot-saring emosyon ang lumulukob sa puso ko. Masaya ako para sa kanila kasi magiging pamilya na sila. I'm shock kasi hindi ko alam na kaya pala ni Tita Pinty or should I say Tito James ang gumawa na bata, hindi ko alam na kakainin n'ya pala ang lahat ng sinabi n'ya sa akin dati na kesyo hindi n ya kayang gumawa ng bata, na kesyo hindi n'ya gusto si Ericka pero ngayon binuntis na n'ya ang isa sa mga alaga n'ya. I'm scared for them. Actess-Manager or Actor-Manager relationship is forbidden in our company, in our field. Mahigpit itong ipinagbabawal ng mga boss namin. Pero ginawa pa rin nila. I'm scared for their respective careers. Alam kong matatanggal talaga si Tita. Alam kong mawawalan talaga s'ya ng trabaho kapag nalaman ito ng mga bosses and head namin, or hindi kaya si Ericka ang mawawalan ng trabaho. Isa sa kanila ang mawawalan ng trabaho. Natatakot rin ako sa sasabihin ng mga tao. Ano na lang ang sasabihin ng mga netizen na tinotolerate ng agency namin ang ganito? Na binuntis ng manager ang alaga n'ya? Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Ng mga media?
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...