"Baby, are you okay?" Malambing na tanong ni Aeiou sa akin.
"Hmm...medyo?" Hindi siguradong sagot ko. Sa totoo lang kasi, I'm not feeling well. Ngayon na kasi 'yong interview ko tungkol sa post ko doon sa instagram na ay kalat na kalat na.
"Sana pala and'y—
"Aeiou, ayos lang naman. Andito naman sina Ericka at Tita." Pinutol ko na ang mga dapat pa n'yang sasabihin.
Matapos makarating at makita ni Aeiou ang picture na 'yon sa internet, kaagad n'ya akong tinawagan. Hindi n'ya ako tinanong kung totoo ba 'yon dahil alam naman n'ya ang kasagutan doon dahil kasama s'ya no'ng nagpaultra sound si Camari.
"Okay, pero baka next day pupunta ako d'yan sa Manila. Hindi pa kasi puwede bukas, mas inaasikaso pa kasi ako, kaya sa next day na lang, huh? Gusto ko kasi na nasa tabi mo 'ko."
Napasinghap naman ako dahil sa narinig. "Hindi ba ako nakakaistorbo sa'yo? I mean, you're an engineer, may construction site kang hinahawakan. Hindi ba nagagalit sa'yo 'yong mga kasama mo? I mean palagi ka na lang wala."
Aeiou was always with me. No'ng nasaktan ako, nasa tabi s'ya. No'ng umiyak ako, kasama ko s'ya. No'ng nagalit ako, pinakalma n'ya ako. Palagi na lang ako ang inuuna n'ya. Isang tawag ko lamang sa kan'ya to the rescue kaagad s'ya.
"Why? Ayaw mo ba akong makasama? Ayaw mo ba akong makita?"
Napapikit naman ako ng mga mata. Mukhang iba ang pagkakaintindi n'ya ng tanong ko.
"Hindi sa gano'n Aeiou, I want to be with you, every single day. I want to spend my life with you. Pero ibang usapan naman ito. You're a busy man, may trabaho ka, may ginagawa ka. Hindi ba ako nakakaistorbo sa'yo?" Mahinahon kong tanong pilit pinapaintindi ang gustong sabihin.
"Naks! Kinilig ako doon sa sinabi mo!" Tumawa s'ya sa kabilang linya."I also want to spend my life with, Sydney. I want to marry you as soon as possible —"
"Aeiou?" Tawag ko sa pangalan n'ya nakg maputol ang usapan namin.
Ibinababa ko naman ang cellphone ko upang makita kung ano ang naging problema.
"Hindi naman ako lowbat, ah? Bakit na-call ended 'yong usapan namin?" Takang tanong ko sa aking sarili habang nakakunot ng noo. "Ah, baka s'ya 'yong lowbat." Tango ko sabay upo sa sofa.
Nasa back stage ako ngayon, maya-maya lamang ay magsisimula na ang live interview sa akin. Ang sabi nila may kasama daw ako sa interview at malakas ang kutob ko na sina April at Martin 'yon.
Nakaupo lamang ako sa sofa habang nakatulala sa mga paa ko. Kinakabahan ako. Hindi naman ito ang unang pagkakataon ko na magpainterview regarding sa issue na 'to pero ito naman ang unang pagkakataon ko na magpainterview with an audience. May mga tao kasing manonod ngayon at natatakot ako. Natatakot akong makita ang mga mukha nila, ang mga sasabihin nila, at natatakot ako sa puwede nilang gawin mamaya.
Napaangat lamang ako ng tingin ng may bigbang tumikhim sa harapan ko.
"Hi, Sydney! Did you missed me?!" Nakangising tanong ni April sa akin. Tama pala ang kutob ko, sina Martin at April nga ang dalawa ko pang makakasama sa interview. Kaming tatlo pala ang iinterviewhin ngayon regarding sa issue. Ang ganda lang.
Hindi naman ako sumagot sa tanong n'ya, tinitigan ko lamang s'ya gamit ang blangko kong mukha. Wala naman kasi akong sasabihin sa kan'ya.
"Don't be bitter Sydney, sumagot ka naman." Tawa n'ya sabay pakita sa akin kung papa'no n'ya iniangkla ang kan'yang braso sa braso ni Martin.
"April..." Tawag ni Martin gamit ang mahina nitong boses.
"What? Wala naman akong ginagawa masama. I'm just asking." Tawa n'ya ulit sabay lingon sa t'yan ko, pero hindi kalaunan ay tumaas na rin ito at pumunta sa blangko kong mukha. "Looked, Sydney, bagay kami, diba? Bagay kami ni Martin, diba?" Nakangisi n'yang tanong.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...