CHAPTER 16

990 53 23
                                    

"What the hell are you doing, Martin?!" Galit na sigaw ko sa telepono matapos n'ya itong sagutin.

Kanina ko pa s'ya tinatawagan, pero hindi naman nya sinasagot.

"S-Sydney?" Gulat na tanong nito at halatang masaya ang boses n'ya.

"Why? May ineexpect ka pa bang ibang tatawag sa iyo?" Pabalang kong sagot sa kan'ya.

"Ba—"

"Ayaw ko nang pahabain itong tawag na ito." I stopped. Ayaw ko nang pahabain ang tawag dahil mas lalo akong nasasaktan kapag naririnig ko ang boses nya. "Bakit mo dinamay si Aeiou dito?!" Diretcho kong tanong sa kan'ya.

Alam ko na s'ya ang may pakana ng mga media sa bahay ni Aeiou kahapon, mabuti na nga lang at agad kaming pumuntang taas ni Tita kasi kung hindi mas lalong magtatanong ang mga media at mas lalo silang maghihinala na may relasyon kami ni Aeiou kahit wala naman talaga.

Nanatiling tahimik sa kabilang linya at tinig lamang ng manager n'ya ang nariring ko at parang may kausap din ito.

He sighed. "Damay na sya dito Sydney, nakialam kasi s'ya." Ngisi nya na nagpainit pa lalo ng ulo ko.

"Gago ka ba?! Bakit ka nandadamay ng inosenteng tao?! Alam mo bang hindi s'ya makalabas sa bahay n'ya ngayon at hindi s'ya makapagtrabaho dahil dyan sa putangina mong interview?!" Malakas kong saad.

Nagpainterview na kasi si Martin kahapon, habang may pasa ang labi n'ya at sinabi nitong si Aeiou daw ang sumuntok sa kan'ya. Lapit bahay ko lang daw ito at ang bahay ay nasa tapat lang ng bahay namin. Kaya kahapon agad na pumunta ang mga media sa bahay ni Aeiou para tanungin kung totoo ba ito at ang sinagot naman ni Aeiou ay oo, sinabi nito ang totoo kaya mas lalong nagiging magulo ang sitwasyon. Hindi ko inaasahan ang biglaan n'yang pagpapa-interview, kaya ngayon sa tingin ko dapat na rin akong magsalita para malinis ang pangalan ni Aeiou.

"Bakit ka ba nag-aalala sa gago na 'yon?! May gusto ka na ba d'yan sa kapit-bahay n'yong gago?!" Galit na tanong nito.

Wow! Ngayon s'ya pa ang may ganang magalit?! Ngayon ako pa ang sinisisi n'ya?

"Wala kaming relasyon, at ano naman ang paki mo kung may gusto ako kay Aeiou? Anong pakialam mo? As far I could remember, hiwalay na tayong dalawa! Kaya may karapatan na akong umibig ng iba!" Sagot ko sa kan'ya. "At tiyaka, 'wag mo ngang matawag-tawag na gago si Aeiou dahil sa inyong dalawa ikaw ang gago! Remember ikaw ang nagloko?" Galit na pagpaalala ko sa kan'ya.

Wala naman akong gusto kay Aeiou, sinabi ko lang ito para masaktan s'ya, para maramdaman n'ya kung anong sakit 'yong hinatid n'ya sa akin matapos n'ya akong lokohin.

Natahimik naman ang kabilang linya kaya napangisi ako. Mukhang effective ang sinabi ko sa kan'ya. Mukhang nasaktan nga s'ya. Pero totoo bang nasaktan s'ya sa sinabi ko?

"B-Bakit ang dali na lang para sa iyo na maghanap ng iba? Wala pang months simula nang maghiwalay tayong dalawa."

Natawa naman ako sa naging tanong n'ya.

"Eh, ikaw? Bakit ang dali na lang para sa iyo na maghanap ng iba? Porque hindi ko pa kayang ibigay ang katawan ko sa iyo maghahanap ka kaagad ng iba?" Balik na tanong ko sabay halukipkip.

Ayaw kong maramdaman n'ya na naaawa ako sa ka"nya o affected pa rin ako sa hiwalayan naming dalawa. Gusto kong maramdaman nxya na hindi sya gano'n ka hirap kalimutan at palitan.

Natahimik ulit si Martin sa kabilang linya.

"Hindi ako papayag, Sydney..."

Anong hindi s'ya papayag? Hindi ko s'ya maintindihan.

"Bakit hinihingi ko ba ang concent mo para payagan ako?" Pabalang na sagot ko sa kan'ya kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ang tinutumbok n-ya sa kaniyang sinabi na, 'hindi ako papayag, Sydney.'

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon