CHAPTER 19

1K 76 13
                                    

"Ang ganda ng stars, 'no?" Manghang tanong ko kay Aeiou habang nakangiting tinuturo ang mga bituin sa langit.

Nasa roof top kami ngayon ng Mall nina Camari, at kaming dalawa na lang ni Aeiou ang natira dito, kaya masasabi kong sobrang tahimik at sa tingin ko late seven pm na.

"Yes, sobra." Ngiti nya habang pinatitigan ako.

Napalingon ulit ako sa kan'ya sabay palo ng mahina sa kan'yang kanang braso. "Huwag mo nga akong titigan ng ganyan..." Nahihiya kong usal. "Feeling ko tuloy na ako ang pinakamagandang babae sa mundo.." Biro ko para kahit papano ay mawala ang kaba sa puso ko.

Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa mga titig n'ya o kinakabahan. Kakaiba kasi ang titig nito sa akin, hindi tulad ng pangkaraniwang titig, at dahil sa kan'ya, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Nakakatakot.

"Yup, you're the most beautiful girl in the world." Ngiti nito sabay titig ulit sa akin. "And the prettiest girl I've ever met...." Mahina pa nitong dagdag.

Hindi ko alam kung papano magrereact sa sinabi n'ya. Hindi ko alam na papatulan pala n ya ang biro ko. It was just a joke, but why did he take it seriously?

Nagbibiro lang naman ako.

Hindi na lang ako umimik at pinabayaan na lang ang mga titig ni Aeiou at itinuon na lang ang pansin sa mga bituin.

Maganda ang mga bituin sa langit dahil nagpapakita silang lahat, hindi sila nagkukubli, at base sa mga matatanda, kapag daw maraming bituin ang nagpapakita sa kalangitan, ibig sabihin daa no'n ay maaraw bukas.

Sana nga maaraw.

"Can you take your eyes off from me?" Hindi ko na mapigilan na sabihin ito kay Aeiou. Hanggang ngayon kasi nasa akin pa rin ang paningin nito habang nakangiti. Naiilang ako sa mga titig n'ya.

"Why?" Simple n'yang tanong pero parang nalalagutan ako ng hininga doon.

Shit! Bakit sa dami ng pwede n'yang itanong bakit why pa? Bakit why? Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon.

Napabuntong hininga na lang naman ako at nilingon s'ya, nilalabanan ang bawat titig n'ya.

Sana mailang s'ya.

Habang tumatagal ang pagtitigan namin, mas lalo akong nadadala ng kumikininang n'yang mga mata. Hindi ko alam kung talaga bang kumikinang ang mga mata n'ya dahil madilim na dito sa rooftop at sadyang ang mga poste lamang sa ibaba ang nagsisilbi naming liwanag dito.

"Sige ka, baka mahulog ka sa akin, kawawa ka naman hindi kita sasaluhin." Biro ko sabay baba ng tingin.

May iilan pa namang tao ang naglalakad sa ibaba, hindi nga lang masyadong klaro ang mga mukha nila dahil sobrang liit nila dito sa kinauupuan ko. May ilang mga establisyimento na rin ang nagsisimula ng magseserado, habang ang daloy naman ng kalsada ay hindi gano'n katraffic.

"'Pa'no kung sabihin kong nahulog na nga ako sa'yo? Anong gagawin mo?" Seryosong tanong nito sa akin na nagpalaki at napakabog ng malakas sa puso ko. Naramdaman ko din na parang umakyat na sa mukha ko ang dugo ko.

Shit! Anong ginawa n'ya sa akin?!

Nagpapasalamat ako na medyo madilim dito sa roof top at hindi klaro ang mukha ko, dahil kung nagkataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nakakahiya.

"Ewan ko sa iyo." Umiling na lang ako habang pekeng tumatawa.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung itatake ko ba seriously 'yong sinabi n'ya...pero baka nagbibiro lang s'ya.

"Sydney, I love you!"

"Sydney, I love you!"

Shit!

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon