CHAPTER 12

1.1K 65 33
                                    

I turn my gaze back in front and I saw a man wearing a mask and shade, even though his face was covered, I can recognized his voice and I can't be wrong. He's Martin, my ex-boyfriend.

Ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng dalawa kong tuhod nang isa-isa nang inalis ni Martin ang lahat ng tumatakip sa mukha n'ya. Tama nga ako, si Martin nga talaga ang nasa harap ko.

Ngayon na nakita ko na s'ya, ngayon na nagpakita na s'ya sa akin, sari-saring emosyon na ang lumulukob sa puso at isipan ko. Pangungulila, pagkasabik, pagkamuhi, sakit at saya.  Masaya ako dahil  sa wakas ay nagpakita na rin s'ya.

Martin was about to step closer when I stopped him.

"H-Huwag kang lalapit sa akin!" Matigas kong sigaw habang tinuturo s'ya.

"S-Sydney." Maiyak-iyak n'yang tawag sa akin habang ang mga mata ay nagmamakaawa.

"B-bakit ngayon ka lang?" Cold kong tanong sa kan'ya habang pinipigilan ang sarili na umiyak at yakapin s'ya.

Ngumiti naman s'ya at humakbang ng isang dangkal papaharap sa akin. "Sorry... hindi kasi ako pinayagan —"

"Tangina mo Martin!"

Nakakaputangina s'ya dahil nakuha pa talaga n'yang ngumiti habang ako iyak lang nang iyak habang paulit-ulit na pinapakinggan ang audio.

Kaagad namang nawala ang ngiti sa labi n'ya at napalitan ito ng sakit. "S-Sorr—"

"I don't need your sorry, I need your explanation." Putol ko sa dapat n'yang sasabihin.

Masakit na marinig ang bawat sorry n'ya sa akin. Kapag naririnig ko ito mula sa kan'ya ay mas lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ko at mas lalo lamang dumodoble ang sakit na binibigay n'ya.

Natahimik naman si Martin at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kan'yang mga mata.

Tsk. Ngayon iiyak-iyak s'ya sa harapan ko matapos n'ya akong gaguhin?! Matapos n'ya akong lokohin? Matapos n'ya 'kong saktan?!

"Oh bakit ngayon umiiyak ka?!" Nakangisi ngunit galit na tanong ko sa kan'ya.

"Sorry, lo—"

"Bwisit na sorry 'yan! Wala na bang ibang salita na alam 'yang bibig mo kundi ang sorry, sorry? Nakakasawang pakinggan, Martin! And don't you ever dare to call me love! After all the bullshit you've done, may lakas ka pa rin talaga ng loob na tawagin akong love?" Tawa ko sa harap n'ya habang unti-unti nang lumalandas sa mga mata ko ang mga luha.

"Sorry...please let me explain..." Pagmamakaawa n'ya ulit.

"Yes! You need to explain everything!" May diin sa bawat bigkas ko ng salita.

Matapos ko 'yong sabihin natahimik naman si Martin at halatang natataot na magsalita.

Napangisi ako.

Anong akala n'ya, pipigilan ko s'yang mag-explain? Gago ba s'ya? 'Yon ang hinihingi ko mula sa kan'ya, 'yon ang hinihintay ko mula sa kan'ya kaya bakit ko s'ya pipigilan?

"Oh ano?! Bakit hindi ka nagsasalita?! Akala ko ba mag-e-explain ka?" Tawa ko ng sarkastiko.

Nakakatawa rin itong si Martin, eh. Sabi n'ya mageexplain s'ya pero ngayon binigyan ko na s'ya ng pagkakataon mag-explain tiyaka naman s'ya natahimik.

Hindi pa rin nagsasalita si Martin, nakatitig lamang ito ng diretcho sa mga mata ko habang ang mga luha ay nagmamalabis.

Wow! Grabe! Kung makatitig s'ya parang wala s'yang kasalan, ah?! Bakit parang hindi n'ya pinagsisihan ang mga ginawa n'ya at bakit parang ako pa ang may kasalanan ng lahat?!

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon