"Hoy tama na 'yan. Tama na ang lampungan! Ang sakit n'yo sa mata! Tama na! May nagseselos dito, oh! Respeto naman!" Si Valkyrie sabay takip ng kan'yang mga mata.
Sila Camari at Sergie kasi naglalampungan sa harapan namin habang kami, audience na nanonood sa kanila, kung gaano sila ka sweet sa isa't isa.
"Sino naman ang magseselos, aber?!" Maang-maangan ko, kahit alam ko na naman kung sino ang pinariringgan n'ya.
"Eh, sino pa ba?! Edi 'yong katabi ko!" .
Agad kaming napalingon kay Michael na ngayon ay may gulat na ekpresyon. Sila kasi ang magkatabi ngayon sa upuan. Bumalik ang tingin ko kina Camari at Sergie na ngayon ay kapuwa nakatingin kay Michael.
Agad namang binatukan ni Michael si Valkyrie pero alam kong mahina lamang ito. Hindi naman kasi gawain ni Michael ang manakit ng babae.
"Aray! Bakit ka na nambabatok?!" Daing ni Valkyrie at halatang galit s'ya dito.
"At nagtatanong ka pa talaga?!" Si Michael sabay kunot ng noo.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit palaging nagbabangayan itong dalawa kapag magkasama sila.
"Duh! Si Yvette ang mini-mean ko, hindi ikaw! Bakit ikaw lang ba ang katabi ko sa upuan?! Ikaw si Yvette?! Babae ka?! Tanong-tanong rin, ha! Huwag 'yong nambabatok ka na lang bigla-bigla!" Si Valkyrie sabay turo sa left side n'ya. Pinagigitnaan kasi s'ya nina Michael at Yvette, habang ako naman ang katabi ni Michael sa kabilang side n'ya, at si Delaney ay nasa tabi naman ni Yvette.
Natahimik naman si Michael at mukhang nahiya sa kan'yang ginawa kay Valkyrie.
"Guilty kasi, kaya gan'yan!" Dagdag pa ni Valkyrie sabay irap kay Michael. Hindi naman sumagot ang binata sa kan'ya, nakatungo lamabg ito at tahimik.
Naaawa ako kay Michael sa totoo lang. Alam namin na matagal na s'yang may gusto kay Camari, pero hindi naman s'ya gusto ni Camari. Sana mahanap na n'ya ang para sa kanya at sana si Valkyrie na 'yon. Ayaw ko na kasi ng iba para sa kan'ya. Nagkaroon na ako ng trust issue, eh, dahil kay Athena.
"Mukha kang garapata!" Si Michael sabay lingon kay Valkyrie.
Hindi ko na mapigilan ang matawa. Mukhang magsisimula na ang bangayan nila. Maganda 'to.
"Hinding-hindi talaga kita iboboto sa next na eleksyon! Akala mo iboboto kita?!" Malutong na tawa ni Valkyrie. "Never!" Umirap si Valkyrie.
"As if naman na tatakbo ako?" Patanong na sagot ni Michael.
"Bagay kayo sa isa't isa." Biglang usal ni Sergie sabay turo sa dalawa.
"Agree!" Sabay-sabay naming sagot.
Matagal na namin silang tinutukso sa isa't isa, pero ayaw naman nila sa isa't isa. Ito kasing si Michael ang gusto ay si Camari habang itong si Valkyrie naman hindi namin alam kung sino ang crush. Kapag kasi may makita lang na guwapo crush agad. Kahit nga si Sergie at si Martin naging crush n'ya, pero sa tingin ko hindi na ngayon.
Nagkatinginan naman sina Martin at Valkyrie sa isa't isa at kaagad na napangiwi.
"Yuck!" They shout in chorus.
Dahil sa kanilang facial expression, sabay-sabay kaming napatawa. Nakakatawa talaga itong dalawa na 'to.
"Guys the more you hate the more you love, sige kayo, baka kayo na ang next na ikakasal, ha! Baka hindi na lang namin mamalayan na buntis na pala 'yang si Valkyrie at ikaw ang ama Michael!" Pagcoconclude ni Delaney sabay tawa.
Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa naging biro n'ya. Ang taba ng utak ni Delaney para makaisip ng gano'n!
"'Yan? Papakasalan ko?" Turo ni Michael kay Valkyrie habang ang mukha ay nandidiri. Sarkastiko naman s'yang natawa. "Never, eh ingay nga n'yan!" Dagdag n'ya pa sabay pasada ng tingin kay Valkyrie mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Love Under Construction (Rich Girls Series #2)
RomanceSydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a handsome and loving boyfriend; caring and crazy circle of friends; and of course she have the supporti...