CHAPTER 22

954 39 10
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!" Pagalit na tanong ko kay Aeiou nang makita ang ulo n'ya na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.

Ano pa bang ginagawa n'ya dito?! Eh, may bahay naman s'ya.

"Visiting you." Sagot naman n'ya sabay bukas ng pinto at ipinasok ang katawan sa loob.

"Bakit nasa hospital ba ako para bisitahin mo?" Sarkastiko kong tanong sabay irap.

Ngumiti lamang naman si Aeiou sa akin at nagsimula nang maglakad papalapit sa puwesto ko.

"Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kan'ya na para bang aso s'ya.

Hindi naman ako pinakinggan ni Aeiou pinakinggan dahil umupo pa ito sa kama ko. Magkatabi na kami ngayon sa kama kaya umurong ako ng konti papalayo sa kan'ya. Ayaw ko kasi s'yang makatabi, naiinis pa rin ako sa kan'ya.

"Flowers?" Ngiting tanong n'ya sabay abot ng isang bugkos ng bulaklak.

Tinitigan ko lang naman ang dala n'ya at wala akong balak na tanggapin ito. Ano ako patay? Bakit naman n'ya ako bibigyan ng bulaklak?

"Sorry na... bati na tayo." Pagpapacute n'ya sabay hawak sa kamay ko at pinipisil-pisil ito.

"Bakit ka ba andito? Nasaan na 'yong PINSAN NG PINSAN MO?" May diin na tanong ko sabay walsik ng kamay n'yang nakahawak sa kamay ko.

Tsk. Doon na s'ya, at tiyaka binasted ko na s'ya kaya ano pang ginagawa n'ya dito? Kung sa tingin n'ya ay papayag akong liligawan n'ya ulit ako, puwes nagkakamali s'ya.

"Are you jealous, baby?"

Kahit ayaw ko s'yang lingunin ay napalingon pa din ako sa kan'ya matapos ko 'yon marinig mula sa kan'ya. Nakangisi ito ngagon na para bang nang-iinis.

Aba! Aba! Anong akala n'ya? Nagseselos ako? Haler?! Iba ang galit sa selos. Bobo ba s'ya? Engineer naman sana, pero hindi alam ang ipinagkaiba ng galit sa selos.

"Alisin mo nga 'yang bulaklak mo!" Galit na utos ko, dahil tumutusok na sa akin ang mga petals ng bulaklak at ang kati nito. "Hindi pa ako patay para bigyan mo ako ng bulaklak. Alisin mo nga 'yan, nakakainis." Usal ko sabay baling ng tingin sa bintana ng kuwarto ko. "Buhay pa nga 'yong tao tapos binibigyan mo agad ako ng bulaklak, tsk."

Nakakainis lang kasi, eh. Buhay pa ako, pero binibigyan na n'ya agad ako ng bulaklak. Ano, gusto na ba n'ya akong mamatay? Para ano?! Para magsama na sila no'ng pinsan ng pinsan n'ya?

"You're jealous." He said with a matter of fact while smiling widely.

"Why would I?" Tanong ko naman sa kan'ya.

Ano ba ang iniisip n'ya at nasabi n'ya nagseselos ako? Hindi nga ako nagseselos! Galit lang ako! Galit!

Pero bakit nga ba ako galit?

Iniling ko na lang ulo ko para makalimutan ang tanong na iniisip ko. Basta galit ako! Period.

"Claudia Mercado, pinsan ni —"

"Bakit ka d'yan sumasagot? Tinatanong ba kita?" Pagpuputol ko sa dapat n'yang sasabihin.

Bakit ba s'ya nagsasalita? Eh hindi ko naman sya tinatanong.

"I'm not answering a question Sydney, because first of all wala namang tanong. I'm just sharing an information." Pangbabara n'ya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng konting hiya, pero hindi ko lang ito pinahalata. Inirapan ko na lang s'ya sabay crossed arm. "Then I'm not interested with your nonsense information." Sagot ko rin.

Narinig ko naman s'yang tumawa ng mahina kaya agad ko syang nilingon. Nang nasa kan'ya na ang buong atensyon ko ay huminto na ito sa pagtawa.

"You're jealous. I can feel it."

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon