CHAPTER 34

894 32 0
                                    

"At sinong tinitingnan-tingin mo d'yan?!" Panggugulat na tanong ni Ericka sa akin. Dali-dali ko namang sinerado ang pinto at agad s'yang hinarap.

"Wala." Simple kong sagot sabay talikod sa kan'ya. Magkatalikuran na kaming dalawa ngayon habang ang dalawang kamay ko naman ay nasa likod ko.

"Eh? Sino niloko mo? Lolo mo?" Natatawa n'yang tanong. Kasabay nang pagtawa ni Ericka ay ang paghakbang n'ya ng mga paa. "Kung si James, naloloko mo, puwes ako hindi. Katulad mo babae rin ako, at alam ko kung sino ang hinahanap mo."

Napabuga naman ako ng hangin at pagkatapos nito ay hinarap ko si Ericka habang nakangiti.

"Wala. Wala akong hinahanap, binuksan ko lang ang pinto para...para..." Natutuliro na ako, hindi ko naman kasi alam kung saan papunta itong sasabihin ko o kung ano ang dapat kong isagot.

"Para hanapin si Aeiou?" Natatawa n'yang pagpapatuloy sa dapat kong isasagot.

Kaagad namang nagreact ang puso ko dito, pero hindi ko pinahalata.

"At bakit ko naman hahanapin ang mga taong wala dito?" Irap kong tanong sa kan'ya. Bakit naman n'ya naisip na hinahanap ko si Aeiou?

"Kasi namimiss mo na s'ya?"

"Bakit ko naman mamimiss si Aeiou?" Naka-crossed-arm kong tanong.

"Kasi mahal mo pa?"

"Hoy! Ano itong mahal mahal, ha?!"

Napalingon naman ako sa aking likod. Pagkaharap ko, sumalubong agad sa akin ang mukha ni Tita na ngayon ay nasa cellphone ang buong atensyon.

"Sino naman 'yang ka chat mo, ha?! Si MJ na naman?!"

Napalingon naman ako kay Ericka. Nakacrossed arm na s'ya ngayon habang ang mga mata ay tutok na tutok kay Tita.

"Wala." Simpleng sagot ni Tita sabay baba ng kan'yang cellphone. "Selos ka na naman?" Nakangising asong tanong ni Tita. Napangiti naman ako dahil sa hitsura n'ya. Nakakakilig silang dalawa.

"Oo? Bakit may problema ka?" Hamon na tanong ni Ericka habang ang mukha ay natatawa na.

Hindi ba uso kay Ericka ang salitang pakipot? Napakastraight forward naman n'ya kung sumagot.

Papalit-palit ang mga mata ko kay Tita at kay Ericka. Kung kanina ay si Tita ang nakangisi at si Ericka ang nakasimangot, ngayon ay si Ericka na ang nakangisi habang si Tita naman ang nakasimangot. Nabaliktad na.

"Maiba ako." Pagsasalita ni Tita habang ang mga mata ay hindi makatingin ng diretcho kay Ericka. "Ano itong narinig kong mahal mahal, ha?! Ano 'yan?"

Sasagot na sana ako sa tanong na 'yon ni Tita nang maagaw ni Ericka ang buo kong atensyon at naiwang nakaawang ang bibig ko sa hangin.

Naglakad si Ericka papunta sa direksyon ni Tita at yinakap ito sa bewang nang patalikod.

"Ang alaga mo kasi. Namimiss na 'yong BOYFRIEND n'ya ay este 'yong EX n'ya pala." Hahikgik ni Ericka habang ang mukha ay nakasiksik kay Tita. Hinawakan naman ni Tita ang braso ni Ericka na nasa bewang n'ya.

Nakakaselos sila.

"Si Aeiou?" Kunot noong tanong ni Tita habang palipat-lipat ang atensyon sa akin at kay Ericka.

"Bakit, sino pa ba ex n'ya? Sino ba ang ex ni Sydney? Diba si Aeiou lang naman, tapos nagtatanong ka pa."

Napangiti naman ako nang konti dahil sa kamalditahan ni Ericka. Hindi naman kasi s'ya ganito dati. Hindi s'ya maldita, makulit lamang s'ya at mapagbiro, pero ngayon palagi na lang mainig ang ulo n'ya.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon