CHAPTER 21

976 40 9
                                    

"Hello! Sydney! I missed you!" Boses ng isang babae na nanggagaling sa pintuan ng kuwarto ko, kaya agad akong napalingon dito.

Pagbukas ng pinto agad na sumalubong sa akin ang mukha ni Valkyrie na nakangiti ng malapad.

Napakunot naman ako ng noo. Anong ginagawa n'ya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang naglalakad pabalik sa kama ko.

"Eh....ikaw sinong sinisilip-silip mo?" Balik na tanong itoa sa akin habang tumataas baba ang kanan niyang kilay.

"Wala." Simple kong sagot sabay higa sa kama. "Ano ngang ginagawa mo rito? Wala naman akong matandaan na pinapunta kita dito."

Totoo naman, eh. Ni hindi ko nga s'ya tinawagan or tinext man lang na pumunta dito.

"Auch ang sakit." Pagdradrama ni Valkyrie habang ang kamay ay nasa puso. "Nagsayang lang pala ako ng pera para sa pamasahe papunta dito." Dagdag pa nito at mahahalata sa boses na naiinis n'ya na naiinis s'ya. "Nagsayang lang pala ako ng oras, at tiyaka tinawagan mo kaya ako kagabi xno! Ang sabi mo pa nga puntahan kita dito bukas which is ngayon." Nakapamewang n'yang saad.

Napabangon naman ako sa pagkakahiga at nilingon s'ya sa ng diretcho sa mga mata. Nagbabasakaling malaman kung nagsisinungaling lang ba s-ya, pero mukhang nagsasabi s'ya ng totoo.

Huh? Ano 'yon? Wala naman akong maalala na tinawagan ko s'ya kagabi, ah!

"Nine-thirty in the evening, patulog na sana ako nabg magring ang phone ko at rumigister ang name mo. Ang sabi mo pa nga. 'Valkyrie puntahan mo ako bukas' I need you." Pagkukuwento ni Valkyrie habang ang mga mata ay nasa kuko.

Mas lalong nangunot ang noo ko. Wala talaga, eh. Wala talaga akong maalala.

"Never mind, I think worth it naman ang pagpunta ko dito, kasi alam kong may ikumuwento ka! Diba tama ako?" Excited niyang saad sabay lakad papunta sa direksyon ko. Nang nasa tabi ko na s'ya kaagad n'yang pinanggigilan ang ang brado ko habang ang kan'yang labi naman ay halos mapunit na dahil sa lapad ng ngiti n'ya.

Huh? Ano naman ang ikukuwento ko sa kan'ya? Wala naman!

Napairap naman si Valkyrie sabay luwag nang pagkakapit sa braso ko. "Alam mo, lutang ka!"

Lutang? Hindi naman, ah. Naguguluhan lang kasi ako sa kanya. Kanina ang sabi n'ya tumawag raw ako sa kanya kahit hindi naman tapos ngayon sabi na naman nya may ikumuwento daw ako sa kan'ya? Bakit pinapangunahan n'ya ako? Hindi ko nga alam kung ano ang ikukuwento ko sa kan'ya.

"Ano ba ang ikukuwento ko sa'yo?"

"Girl, don't deny it, alam ko na, I mean namin pala.." Pangbibitin ko sa kan'ya.

"Huh?"

Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi n'yan

"Kala mo hindi ko alam, 'no! Excuse me journalist itong kasama mo!" Turo nya sa sarili nya, at parang proud pa sya rito. "Kaya lahat ng balita alam ko!" May pagmamalaki ang tono ng pananalita n'ya.

"Oh tapos? Anong connect?"

Kaagad namang nawala ang ngiti sa labi ni Valkyrie nang marinig ang naging sagot ko sa kan'ya.

"Alam mo ang pangit mo kausap! As in!" Pinahaba n'ya ang salita n'ya na para bang doon inilabas ang gigil sa akin.

Nagtatanong lang naman kasi ako kung anong connect ng pagiging journalist n'ya sa sasabihin ko.

"Eh...ikaw nga, dada ka nang dada. Sabihin mo na lang kasi kung ano ang gusto mong sabihin hindi 'yong pabitin ka!" Paninisi ko sabay irap.

"Alam na namin na nililigawan ka ni Aeiou!" Malakas n'yang sabi at halatang kinikilig.

Love Under Construction (Rich Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon