52
~ Rooftop
>>>DANIELLA’S POV
Katatapos lang ng huling klase namin and I am about to go to the rooftop.
“Danie,” tawag sa akin ni Phillip. “Hindi ka ba sasabay sa akin pauwi?”
“Ha?” I completely forgot. Nakisabay nga lang pala ako kay Phillip this morning. “Hindi na,” I smiled. “May kailangan pa nga pala akong gawin.”
“Saan ka sasakay pauwi?”
“I’ll just take a cab,” I smiled again. “O kaya magpapasundo na lang ako,” I smiled widely.
Lumapit sa akin si Phillip at bumulong.
“I don’t like the way you smile. You’re hiding something from me. Just take care of yourself then,” at hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang umalis.
Hay naku! That person really knows me like the back of his hand.
Ganito kasi...
After the song, my phone beeped. I received a message from that thief.
Meet me at the rooftop after our last period. We have to talk. Please come.
After nun, lalo na akong hindi mapakali at alam kong napansin at naramdaman ‘yun ni Phillip though he didn’t say a word. Hindi ko na rin masyadong maintindihan ang mga lessons namin that afternoon. Masyado na akong preccupied sa posibleng mangyari. Patingin-tingin ako sa orasan. Hindi ko alam kung gusto ko na bang matapos ang last period o tumigil na lang ang oras. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.
Paakyat na ako ng rooftop pero bago ako tuluyang umakyat, pumasok muna ako sa nadaanan kong CR. Pagkapasok ko, walang ibang tao sa CR. Bibihira rin kasi ang tao sa parteng ito ng school.
I looked at myself in the mirror. I closed my eyes and took a deep breath.
***
Nang makarating ako sa rooftop, nakita ko si Matt na nakatalikod at nakapatong ang isang braso sa railings ng rooftop.
Naglakad ako papalapit sa kanya pero agad din namang natigilan nang bigla siyang lumingon. He must have felt my presence.
Tumingin lang siya sa akin. Dumiretso lang ako sa paglalakad kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.
Sumandal ako sa pader which was a few inches away from him.

BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...