48
~ Phone
>>>DANIELLA’S POV
Hindi ko alam kung gaano ‘yun katagal. Basta ang alam ko, that kiss was long enough para mangalay nang husto ang pulsuhan kong hawak-hawak niya.
Our lips parted and we were both breathing heavily.
I pushed him away at mabilis na lumakad palayo sa kanya.
Naglalakad ako ng padabog sa EK. Napapatingin na nga rin ang mga kasalubong ko.
But I really don’t care right now. I was fuming mad!
How could he do that?
How could he steal my first kiss just like that?
I am really mad at him. That’s for sure. But there is this part of me na para bang natutuwa because Matt is my first kiss.
Crap!
I finally found my way through the exit at hinanap ko ang nakaparadang sasakyan ng mokong na lalaking nagnakaw ng first kiss ko.
Kaagad naman akong nakita ni manong driver at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
Pumasok na siya sa loob ng kotse, binuhay ang makina at ini-on ang air conditioner.
“Okay lang ba kayo, Ma’am?” tanong sa akin ni manong driver
He must have noticed my uneasiness.
I smiled weakly and nodded.
Hindi na rin naman nagtanong pa si manong driver. Maya-maya pa ay dumating na rin ‘yung ka-date kong magnanakaw at naupo sa kabilang dulo ng backseat.
Kung wala lang talaga ako sa Laguna ngayon, hindi ko na hahamakin pang sumabay sa kanya pauwi. I would rather take a cab or a jeepney just to avoid this awkward drive.
“Kuya June, uwi na po tayo. Ihatid na natin si Daniella.”
That’s the only thing I’ve heard from him during the whole trip. Wala nang sumubok pang magsalita. Kahit si manong driver ay tila napansin ang gloomy atmosphere sa pagitan namin ng lalaking ‘yun.
From time to time ay napapatingin siya sa direksyon ko. Pinipisil-pisil ko kasi ang nangalay kong pulsuhan. All thanks to him. *insert sarcasm here*
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, mabilis akong nagpasalamat at nagpaalam sa kanila. Binilisan ko na rin ang pagbubukas ng pinto bago pa man ako maunahan ng kung sino. Kaagad din akong pumasok sa gate namin and never dared to look back.
Pumasok ako sa bahay at nakita si Mommy sa living room na nagtitingin-tingin sa magazine.
Hinalikan ko siya sa pisngi at sinabing nakakain na ako. Nagpaalam na rin agad ako and told her that I wanted to rest. We said our goodnights and I headed to my room.
Then I searched my pocket. Tiningnan ko rin ang dala kong bag.
I was about to turn off my phone, just in case...
But I realized that I dropped it during.....
------------------------
Thank you for reading. Please vote and comment!
Follow me if you want.
~ Elaine Kitty

BINABASA MO ANG
The F Word
Ficción General"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...