5
~ Request
>>>DANIELLA’S POV
“Hello dear!” masayang bungad sa akin ni Philip nang pumasok siya sa bahay namin.
Nasa sala ako nun at nakaupo sa sofa ng dumating siya. Nakauwi na pala siya galing Tagaytay.
“Hmp! Hindi ka man lang nagpaalam,” sabay pout ko.
“Ito naman,” sabay upo sa tabi ko. “Biglaan din naman kasi ‘yun. Literally, kinaladkad lang ako ni Mommy at Daddy papunta dun.”
“Whatever! Para makabawi ka man lang... Nasaan na ang mga pasalubong ko?”
“Oh, eto!” at inabot sa akin ni Philip ang sari-saring mga items tulad ng keychains, printed t-shirts and iba pa.
“Tumawag na ba sa’yo sina Reynan at Aila?” tanong ni Philip
“Ha? Bakit? Anong problema?”
“Wala namang problema. May gusto lang daw sabihin sa atin ‘yung dalawa. Ang alam ko ay papunta sila ngayon dito. Ang sabi ko kasi ay andito ka lang naman sa inyo at dito na tayo magkita-kita.”
Maya-maya pa’y....
Ding dong... Ding dong...
“Sila na siguro ‘yun...”
Tumayo ako at ako na ang nagbukas ng gate namin. Tama si Philip. Sina Reynan at Aila na nga ang dumating. Ano kayang sasabihin nitong dalawa sa akin? Sila na kaya? Bwahahaha!
Pinapasok ko muna sila sa loob kung saan nakaupo si Philip. Nagpahanda na rin ako kay manang ng meryenda para sa mga bisita.
“Napadalaw ata kayo...” sabi ko dun sa dalawa.
“Iimbitahan sana namin kayo eh....” – Reynan
“Saan?”
“Sa kasal niyo?” – epal ni Philip
“Hindi!” – sabay na sagot nung dalawa
Nakakatuwa naman itong dalawa. Mukha tuloy nagkahiyaan. Medyo namumula na rin si Aila. Hahaha!
“Ano bang okasyon?”
“Birthday ko kasi next week. We planned to celebrate it dun sa beach namin. Pero unlike my other birthdays, gusto ko ay kasama ko kayo. I want to spend this special occasion with you.” – paliwanag ni Aila
“Awww... Ang sweet naman ni Aila.” – comment ni Philip
“Parang outing na rin natin ‘yun. Alam niyo naman, baka hindi na tayo payagan next sem lalo na next year... Graduating na eh... Ayon sa pamihiin ay masama raw ‘yun... ” – Reynan
“So, sasama kayo ha?”
“Oo naman, sasama ako.” – sagot ni Philip.
Then their eyes turned on me. They are waiting for my answer. Shockness! Hindi naman sa ayaw kong sumama. Reynan and Aila are such a good friends to me. Yes, exemption din si Reynan. Members kasi sila ng student council. They are the president and vice-president of the said organization. I’ve always been their number 1 supporter with their projects sa college. I trust their judgment and really admire their leadership. Dalawa sila sa mga taong tunay kong hinahangaan. Though I am a sort of consultant of their decisions, never pa akong nag-disagree sa mga decisions nila. Haist!
“But....”
‘But’ pa lang ang nasasabi ko eh ang wagas na nilang makatitig...
“Ehhh! Alam niyo naman ang record ko sa school, di ba? Suplada... Masungit.... Moody... Menopausal.... Si Philip lang at kayo ang nakakausap ko ng maayos. I don’t think I will blend that well with the rest of our classmates...”
“Danie, I never thought na ganyan ka ka-nega sa mga bagay,” sabi ni Reynan. “You are the most optimistic person that I know. Swear! Kung anuman ‘yang sinasabi mong hindi ka makaka-blend sa crowd natin, kalimutan mo na ‘yun. More than two years na tayong magkakasama at kahit na hindi ka masyadong nakikipag-interact sa marami, alam mo pa rin ang galaw namin. Alam mo pa rin kung sino ang madaldal, makulit, tahimik at babaero.”
I chuckled. Babaero? Hahaha! Marami nga nun sa klase namin.
Pero... Optimistic? Optimistic nga ba talaga ako? Nambobola lang ata itong si Reynan eh.
“Isa pa, you always did us many favors,” Aila added. “Siguro, it is now time to return that favor to you. Since members din naman ng SC ang nag-organize nito, gusto ka naming makapag-relax at makapag-bonding. And recently, napansin din namin na hindi ka na katulad ng dati. Nakikipagkulitan at nakikipag-asaran ka na ngayon... Lalo na kapag si Matt ang kaaway mo.”
Then Aila smiled - isang makahulugang ngiti.
Nagulat ako sa huling sinabi ni Aila. Wala namang ibang kahulugan sa akin ‘yun. Nakaka-highblood lang kasi talaga ‘pag minsan si Matt kaya pinapatulan ko.
“So, Danie... You will come, di ba?” sabi ni Aila with matching pleading eyes...
“Please....” pagmamakaawa ni Reynan.
“Sige na, Danie... Huwag nang pakipot..” – Philip.
Haist! May magagawa pa ba ako?:
“Alright. I’ll go.”
__________________________
A/N: Sorry... Short update lang ito... Babawi ako sa next chapters... Promise!
~ Elaine Kitty<3
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...