20
~ New Classmate
>>>DANIELLA’S POV
Nakabusangot ako buong period. Though naiintindihan ko ang mga lessons, ramdam na ramdam ko ang pagkayamot sa taong nasa kanan ko. Bakit ba naman kasi ang shunga-shunga ko lang?
***flashback***
“Thank you sa... pagpapalakas ng loob mo sa akin kanina.” Wew!
“Ah, yun ba? Wala yun... At saka ang galing-galing mo naman talaga kanina sa stage eh.”
“Hahaha! Ikaw rin kaya, siguro kung high school pa ako at nakita ko na kasing-gwapo mo yung kakanta sa school fest namin eh baka nagwawala na rin ako sa kilig”
“So, totoo nga ang hinala ko...”
“Ha? Anong hinala?”
“Ang hinala ko na tulad ng ibang mga babae ay may kakayahan ka ring kiligin.”
I breathe a sigh of relief. “Oo naman, ano? Masungit lang ako pero hindi naman ako manhid.”
Paalis na sana ako nang pigilan niya ako at bumulong sa kaliwang tenga ko.
“At ang matagal ko nang hinala na naga-gwapuhan ka rin sa akin.”
***end of flashback***
Bakit ko ba kasi nasabi yun? Oo na, oo na... Ok, fine! Gwapo naman talaga si Matt eh. Hindi ko naman yung itinatanggi. Ang problema lang eh parang lalong lumaki ang ulo nito lalo ngayon at sa akin pa mismo narinig yung mga salitang yun... Arggghhhh! Nakakainis!
Nag-ring na ang bell at nagsitayuan na kami. Sa kabilang room lang naman ang next class namin kaya hindi naman talaga hassle ang paglipat. Lagi kaming magkatabi ni Phillip sa lahat ng subjects pero syempre, as always, tatabi naman sa akin si Matt...
Our professor was already discussing when someone knocked on the door. Napatingin naman kami sa kinaroroonan nung kumakatok. Tinitigan ko pa ang “bisita” ng ilang segundo. He has this messy, black hair, pointed nose and a warm smile. Maganda ang built ng katawan niya which is evident because he was only wearing a gray-colored V-neck shirt and straight-cut maong pants. Pinapasok naman siya ng professor namin then like a lightbulb, I know that he is....
“Yummy,” sabi ng isa kong kaklase na hindi kalayuan sa akin.
Automatic na tumaas ang kaliwang kilay ko. Ano raw? Another epitome of an alpha male specie?
At kahit na tahimik ang klase, ramdam na ramdam ko na naha-hyperventilate na ang karamihan ng mga babae kong classmates. Yung iba pa nga eh nakalagay yung mga kamay sa may gilid ng mukha at parang nagde-daydreaming. Teka nga, bakit parang nangyari na rin ito dati?
“Hi,” bati ng bagong classmate namin. “I am Cedrick Alonzo. Please just call me Ced,” he said with a bright smile.
Siya nga! Siya nga yun! Siya nga yung Bench model na nakabunggo ko nung school fest...
Maya-maya pa ay lumakad na siya para maupo. I looked at him and saw that he was also looking at me. Umiwas agad ako ng tingin at naupo naman siya sa vacant seat sa harapan ko. Napapansin niyo ba yun? Bakit parang deja vu talaga?
Maya-maya pa, nagbigay na ng seatwork ang professor namin. We were all busy working with our seatwork nang...
“Hey,” pabulong na sabi nito
Napatingin naman at nakita kong nakaharap si new classmate sa akin.
Ngumiti ako ng tipid at nagpatuloy ulit sa pagsasagot.
“Di ba ikaw yung babaeng nakabunggo ko nung school fest?” nakangiting sabi niya. “By the way, I am Cedrick Alonzo.”
Ngumiti lang ulit ako sa kanya. “I’m Daniella,” tipid kong sagot.
“Ced, can’t you see?” biglang sabat ni Matt. “We’re trying to focus here.”
“Ito naman... Para nakikipagkilala lang eh,” may pagmamaktol na sabi ni Cedrick. “Selos agad? Bakit girlfriend mo ba siya ha, insan?”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay humarap na siya at nagsagot na rin. Tiningnan ko si Matt at busy na rin siyang nagsasagot. Ako naman ang biglang natigilan sa sinabi ni Cedrick. Pero teka, ano raw?
Insan?
As in pinsan?
As in cousin?
Magpinsan sina Matt at Cedrick?
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...