44
~ Kapote
>>>DANIELLA’S POV
It was a long drive.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.
I looked around at nasa harapan na kami ngayon ng theme park sa Laguna.
“Nandito na po tayo,” sabi ni manong driver.
“We’re here already?” Narinig kong tanong ni Matt. “Kuya Jude, di po ba sabi ko eh bagalan niyo lang ang pagda-drive para makatulog ako ng mas matagal?”
Tumawa lang naman si manong driver.
“Matulog ba talaga o humilig sa balikat ko?” – Me
“Bakit? Sino ba ngayon ang nakahilig sa balikat ng iba?”
After hearing his statement, that’s the only time I’ve realized na ako na pala ang nakahilig sa balikat niya. His left arm was even on my shoulder.
Agad naman akong napatuwid ng upo.
He winked at me. I just glared at him.
“Shall we?”
***
Bumili si Matt ng tickets at habang nakapila kami para makapasok...
“So this is your idea of a date?”
“Why not? It seems to me that you’re not the type who loves candlelight dinner, red roses and violin music as background,” sabi niya habang tumataas-baba ang mga kilay.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumawa.
He must be right.
Alas tres na nang makarating kami sa amusement park. Bago tuluyang pumasok, nag-selfie muna kami ni Matt kasama ang statue ni Merlin.
Hindi naman karamihan ang tao sa park. Wala rin naman kaming naging problema ni Matt sa pagsakay sa mga rides. He’s as thrilled as me pagdating sa ganitong bagay. From Disk-O-Magic to Anchor’s Away to EKstreme Tower to Space Shuttle, wala kaming pinalampas. At syempre, nandito na rin lang ay sasakyan na rin namin ang Rio Grande Rapids at Jungle Log Jam.
“Teka lang,” pigil sa akin ni Matt nung papasok na ako para pumila sa Rio Grande.
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...