59
~ Missing
>>>DANIELLA'S POV
Matt and I were inseparable, literally.
Since Christmas break na, halos magkasama kami araw-araw. Kapag gabi naman ay magka-text o magkatawagan kami. Minsan, kasama namin ang barkada pero mas madalas ay kami lang dalawa.
My mom knew kung anong meron sa amin ni Matt. That night after the concert, naglakas-loob akong kausapin siya.
"Mommy," I called her. "I have to tell you something."
"Ano 'yun? Na may boyfriend ka na?" she said.
Then she laughed. Being shocked was registered on my face.
"Ano ka ba, anak? I'm just kidding," she laughed once more.
Hindi na ako nakapagsalita. Napalunok na lang ako.
"Oh my!"
At napatakip na lang sa bibig niya si Mommy.
"Sino?" she finally asked
"Si Matt po," I blushed.
"Si Matt? As in Matthew Stevens? 'Yung binatang kasama mo sa auction? 'Yung binatang pumunta rito para yayain kang makipag-date?"
Ang dami pang tanong ni Mommy pero puro tango na lang ang naisagot ko.
Grabe lang si Mommy kung makapag-interrogate. Ikinuwento ko kasi sa kanya ang lahat. I mean lahat well except dun sa stolen first kiss ko at dun sa retrieval ko nito. Hehehe.
Kinikilig naman siya sa mga kwento ko na akala mo ay teenager. Dinaig pa ako. I should have known kung kanino ko namana ang ugaling ganito. Hahaha.
"When do you plan to tell this to your Dad?" she suddenly asked in a serious tone
"Po?"
Nawala na rin ang ngiti ko kanina. I almost forgot about all about this.
"Well, he needs to know that you already like someone already," Mom said.
"Alam ko po," I replied. "Hahanap na lang po ako ng tiyempo."
Ngayon ay nasa gamezone kami ni Matt. Tinuturuan niya akong magpa-shoot ng bola dun sa ring. Really, sports is never my thing.
Pero napansin ko lang na parang masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Masyado niya ring hinahawakan ang mga kamay ko.
"Ay naku," I reprimanded him. "Nasa gamezone tayo, ano ka ba? Bawal ang PDA. Masamang halimbawa sa mga bata."
"Wala namang batang naglalaro rito," he said, still holding my hands.
"Kahit na. Public place ito," I said.
"Eh di pag tayong dalawa na lang, pwede na?" nakangiti niyang tanong
"Lalong hindi," I replied while my eyebrow just shot upward.
He just pouted which I found very cute.
Tumigil na ako sa paglalaro but he never lets go of my hand.
Really? What's with him? As if I will run away from him...
Suddenly, my phone rang. I tried to get my phone from my pocket pero nahihirapan ako. I tried to snatch away my other hand but Matt wouldn't let go. He just winked at me and I rolled my eyes to him. Luckily, gamit ang isang kamay ay nakuha ko na rin ang phone ko.
"Monica?"
"Danie, hindi ko ma-contact si Phillip," she said from the other line.
"Baka naman napatagal lang maligo o baka nakatulog. Ikaw naman. Masyado mo agad namimiss," I jokingly said.
"Danie, hindi eh. You know Phillip. 1 hour late reply is already max pero kaninang umaga ko pa siya sinusubukang kontakin. Nakailang text at tawag na rin ako but still no reply from him."
"What?" I am starting to get worried. "Tumawag ka na ba sa bahay nila?"
Phillip always let someone knew where he is. It's either me or someone from his home.
"Oo. Ang sabi eh kanina pa raw umaga umalis dun. Kanina ko pa kasama si Riley sa paghahanap. We went to several places na alam kong lagi nating pinupuntahan pero I haven't seen a sign of him," she said. I can sense na alalang-alala na rin si Monica. "I don't know what to do next, Danie. I'm really worried about him."
"Okay, okay. Hahanapin ko na rin siya. I'll try to think of other places na pwede niyang puntahan."
Matapos niyang masabi sa akin ang mga napuntahan nila ni Riley, I bid goodbye and ended the call.
"Anong problema?" tanong sa akin ni Matt looking worried as well
"I think Phillip is missing."
-----
Author's Note:
Pasensya na po. Mas busy pala ang inyong kagandahan *eksdie* kapag summer.
~Elaine Kitty

BINABASA MO ANG
The F Word
Ficción General"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...