45
~ Next Attraction
>>>DANIELLA’S POV
Nakabili na si Matt ng ticket para sa susunod naming pupuntahan. Isa lang ang horror house dito sa theme park at may extra itong bayad kung gusto mong puntahan.
It was our turn at tumayo na ako. Napansin ko naman na nakaupo pa rin si Matt.
“Ui, Matt... Tara na,” yaya ko sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita at agad na sumunod sa akin. Pumasok na kami sa horror house at excited na excited na ako. Tiningnan ko naman si Matt. Tahimik lang siya at nakatingin sa floor.
Bago isarado ang pinto, binilinan kami ng naka-costume na staff na kapag pumasok na ay wala nang atrasan. Sabi pa niya, wala nang ibang exit kundi ang nasa dulo ng horror house.
Wala na namang nagsalita at isinarado na ang pinto. Itinuro sa amin nung staff kung saan kami pupunta. The lights went off at nang dahil sa UV light, mukhang naging gaguhit na lang ang mata nung babaeng staff. Malamang ay nakapikit ‘yun at epekto na rin ng make-up.
Mapapapalakpak na sana ako when someone hold my left hand.
Nagsimula nang maglakad ang mga kasabay namin.
“Please,” Matt said in a shaky voice. “Just let me hold your hand.”
Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang si Matt na hawak-hawak ang kamay ko.
Habang lahat ng kasama namin ay tumitili sa takot, ako naman ay tumitili sa saya.
Napansin ko na naiwan na pala kami. Bagama’t hindi naman sumisigaw si Matt, nararamdaman kong takot talaga siya. Perhaps, it was not a good idea na niyaya ko siya rito but it was too late to back out.
Tatawid na kami sa hanging bridge. Of course I’ve been here a couple of times at lagi naman itong andito. I already know what will happen.
Naglalakad na kami sa hanging bridge nang magsimula na itong gumalaw.
But what happened next was something I wasn’t anticipating. Biglang napayakap sa akin si Matt while I managed to grab on the hanging bridge.
We were there in that position hanggang sa matapos ang paggalaw ng tulay.
Nawala ang excitement ko at napalitan na lang ito ng mabilis na pintig ng puso ko.
We both felt awkward at kumalas na sa pagkakayakap niya sa akin si Matt.
“Kung gusto mo akong yakapin, you can tell me right away. Hindi naman kailangan pang sa gitna ng hanging bridge sa loob ng horror house,” pabiro kong sabi.
“Ah? Well as far as I could remember, hindi lang simpleng yakap ang ginawa mo sa akin nung nasa hotel tayo. Our bodies were actually so close... so close that I could almost feel your brea--- ”
Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil bigla kong tinakpan ang bibig niya.
“Okay, fine! I got your point. Tsss!”
“I was going to say ‘breath’. I could almost feel your breath,” then he laughed.
Inismiran ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Ui, Daniella! Hintayin mo ako,” sigaw niya.
Why is he so good in arguing?!
--------------------------------
A/N:
Anong masasabi niyo sa kinatatakutan ni Matt? Isn't he adorable? Hahaha!
Thank you for reading!
~Elaine Kitty<3
BINABASA MO ANG
The F Word
Ficção Geral"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...
