21 ~ Trapped

90 1 0
                                        

 21

~ Trapped

 

 

>>>DANIELLA’S POV

Hindi pa rin talaga ako maka-move on sa nalaman ko ngayong araw.

Magpinsan sina Matt at Cedrick kasi magkapatid ang mother ni Matt at father ni Cedrick. Syempre, hindi ko yun tinanong mismo kay Matt. Na-overheard ko lang sina Phillip at Julius na pinag-uusapan yun. Narinig din siguro nung nag-uusap-usap kaming tatlo nina Cedrick at Matt kanina.

Hindi naman talaga ako magtataka kung magpinsan sila. They are both good-looking not to mention their ever-gorgeous bodies that girls drool over with. They are both equally hot.

Napa-face palm ako.

Gusto ko na nga ring sampalin ang sarili ko.

Pwede ba, Daniella? Enough with your worldly dreams!

Alam ko namang *ehem* yummy sila pero hindi nga pwede, di ba?

Hindi pwede! So, enough! Okay.

Ang point ko lang naman talaga eh... Why do I feel that there is a tension between Matt and Cedrick? I mean, Matt seems to be uncomfortable kapag si Cedrick ang topic or worse parang naiilang siya kapag inaakbayan nito? Could it be because he’s gay?

Napa-face palm na naman ako. Matt is gay? Hahaha! No way!

Oh my gosh! No way talaga!

Napansin ko na lang na may biglang pumatak sa t-shirt ko. All of sudden, bumuhos na ang ulan. Haist! Nasaan ba kasi ang sundo ko?

Tumakbo ako papunta sa pinakamalapit na puno mula sa kinatatayuan ko. I checked my phone at may two unread messages ako. One was from Phillip and the other one was from Yaya Miring.

Una kong binasa ‘yung text ni Yaya Miring. I really have a bad feeling about this...

From: Yaya Miring

Anak, hindi ka masusundo ni Boyet. Nilalagnat siya ngayon.

Hayyyysss! Buhay nga naman. Ang lakas-lakas pa mandin ng ulan, nakalimutan ko pang magdala ng payong tapos wala pa akong sundo... Wala pang masyadong dumadaan na sasakyan dito. Paano na kaya ako makakauwi nito?

Beep! Beep!

Napansin kong may isang Chevrolet Corvette na paparating. Ang  taray lang ng kotse ah!

Nang makatapat na sa akin yung kotse, dahan-dahang bumukas ang passenger’s window nito at para akong nakakita ng isang anghel.

“Tara na, ihahatid na kita,” sabi sa akin ng anghel este ni Matt pala.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon