7 ~ His Song

191 1 0
                                    

 7

~ His Song

>>>DANIELLA’S POV

After two more hours of travel and one hour of boating, finally.... nakarating na rin kami sa beach resort nina Aila. Aila’s family holds the most number of beautiful beaches and resorts here in the Philippines kaya naman hindi na nakakapagtaka kung napakaganda talaga ng lugar na ito... White sand pa ang beach dito gaya sa Boracay. Ang taray talaga nina Aila!

Sinalubong naman kaagad kami ng mga crew sa beach. Naupo muna kami sa lobby at maya-maya pa ay binigyan na kami ng room assignment.  Sa isang cottage na mukhang bahay pero mala-mansyon ang laki kami mage-stay . May several rooms ito. Sa isang room ay tatlo hanggang apat ang occupants depende sa room capacity. Syempre of the same gender dapat... Aba! Baka 19 lang kami nang pumunta dito eh madagdagan kami pagbalik. Hehehehe!

Kasama ko sa room sina Tintin at Meann, ang president at vice-president ng fans’ club ni Matt. Hahahaha! Joke lang! Walang fans’ club si Matt. Kahit pa ubod ng gwapo ‘yun ay wala ‘yung ganun. Ipapabuwag ko pati ‘yun kung meron man! *insert evil grin here*

Kaya ko lang naman nasabi ‘yun dahil sa ang mga roommates ko eh baliw na baliw kay Matt. Ewan ko ba! Nagayuma ata ang mga ito...

“Natutuwa ako at ikaw ang roommate namin.” – Tintin

“Talaga? Akala ko eh madi-disappoint ka at moody ang roommate niyo.”

Tumawa naman ng malakas sina Tintin at Meann.

“Ano ka ba naman, Danie! Wala ‘yun, sus! Ako ang maswerte at napakaganda ng roommate ko.” - Meann

I smiled at them.

“Thanks.”

“At isa pa ang roommate namin ang perfect match ni Prince Matthew!” – Tintin

“Eh?”

Ano raw? Perfect Match? Anong match? Boksing! Hahahaha!

“Tama! You really look good together. Bagay na bagay kayo.” – Meann

Ah, yun pala.. We look good together daw. Teka! Di nga? Hindi kami artista, ano! Ginagawa naman nila kaming love team eh. >.<

“Ganun ba? Sige, bilisan na natin. Sabi ni Aila ay nagpahanda raw siya ng meryenda sa baba.”

Bumaba na kami nina Tintin at Meann papunta sa dining area. Most part of the houses especially ‘yung nasa ground floor ay made of glass. From the dining area, kitang-kita namin ang napakagandang beach. The white sand glitters as the water approaches calmness. Tama nga sina Reynan at Aila. This place is really relaxing.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon