6
~ Six pack abs
>>>MATTHEW’S POV
Super excited na ako. Kasi naman eh papunta kami ngayon sa beach nina Aila. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta sa dagat. Mga six months siguro. Hahaha! Pero seriously, natutuwa talaga ako. Bagong salta lang naman ako sa klaseng ito pero feeling ko ay matagal ko na silang kakilala. Never akong na-OP sa kanila. At talaga pang personal kaming kinausap ni Aila para i-invite kami sa kanyang birthday getaway.
Andito kami ngayon malapit sa school, dito sa tapat ng 7eleven. Dito namin iintayin ‘yung coaster na sasakyan namin papunta sa beach. Kasyang-kasya lang kami sa isang coaster since 19 lang naman kaming mga magkaklase.
“Si Danie?”
Bigla naman akong napalingon.
A/N: Matt, kelan pa naging Danie ang pangalan mo ha? Hindi naman ikaw ang tinatawag eh pero napapalingon ka. Ayiiiee!
Si Aila pala ‘yung nagtatanong. Teka, sasama kaya ‘yung babae na ‘yun? Para akong ewan na naghihintay sa sagot ni Philip. Tsk!
“And’yan na siya. Kasabay kong dumating. May binibili lang sa loob.”
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng convenience store at iniluwa ang isang napakagandang dilag. She was wearing a blue sleeveless top na hanggang hita and white maong shorts. Then, isinuot na rin niya ang white jacket niya at nag-hood. She looks really cute in her outfit.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, natuwa talaga ako nang makita at malaman kong sasama si Daniella.
>>>DANIELLA’S POV
Dahil sa pagmamadali ko kasi tinaranta ako ni Philip, nakalimutan ko tuloy magdala ng mga toiletries. Since wala pa naman ‘yung coaster nung dumating kami at wala pa rin sina Aila, pumasok muna ako sa 7eleven at bumili ng kailangan ko. Itong kasing si Philip eh, sabi na at maaga pa. Ayaw namang paawat.
Pagkatapos kong mamili ng kailangan ko, lumabas na ako ng store. Napansin ko si Matt sa di kalayuan. Parang nakatingin ata sa akin? Nginitian ko siya. Kumaway naman siya sa akin.
Dumating na ang coaster at sumakay na kami.
Naupo kami ni Philip sa second row sa side na dalawahan. Naupo naman sa first row sina Aila at ang best friend niyang si Jenny. Sa kabilang side naman ay sa kaunahan naupo si Reynan. Single lang sa side na ‘yun. Katapat naman namin si Matt at nasa likod niya si Julius.
“Bakit dala-dala mo ‘yang gitara mo?” tanong ko kay Philip
“Ipinadala sa akin ni Aila eh. Ewan ko kung saan nila gagamitin.”
“Baka pakakantahin ka. Hahahaha!”
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...