50 ~ Stares

69 2 0
                                        

50

~ Stares

>>>DANIELLA’S POV

Pagkapasok palang ng campus, kaagad akong kumapit sa braso ni Phillip. Tiningnan niya lang ako, ngumiti at tinapik ang kamay na nakakapit sa braso niya.

Brace yourself, Daniella.

Nung nasa college building na kami, eto na nga ba ang sinasabi ko. I received again those deadly stares mula sa mga babaeng ito. But this time they are doubled in number dahil bukod sa mga fan girls ni Cedrick, pati mga fan girls ni Matt ay binibigyan na rin ako ng kanilang killer look.

“Hey, don’t look down,” bulong sa akin ni Phillip. “Ngayon ka pa ba magpapatalo sa mga babaeng ‘yan? Chin up!”

Sinunod ko naman si Phillip at taas-noong rumampa sa hallway. Phillip did the same thing. Feeling ko tuloy ay naglalakad kami ngayon sa red carpet ng Oscar’s.

Pagkapasok sa classroom, kaagad ko namang napansin ang pares ng matang nakatingin sa akin mula sa may bandang dulo.

As much as I wanted to not sit beside him, nagtungo ako sa vacant seat sa tabi niya at naupo. Kapag sa iba pa ako naupo baka kung ano pang isipin ng mga kaklase namin. Lalo lang hahaba ang paliwanagan.

“Good morning, sweetheart!”

Bungad ni Cedrick nang pumasok sa classroom. Umagang-umaga talaga!

Kaagad siyang naupo sa upuan sa may harapan ko.

You really look stunning sa charity auction. I wish I was there. Sigurado akong hindi lang sa ganun matatapos ang bidding,” nakatitig na sabi sa akin ni Cedrick.

“So what are you trying to imply?”

Matalim na tiningnan ng magnanakaw ang pinsan niya.

“I’m just saying that if I was there, I wouldn’t let you have her. I.would.not.let.you.win,” Cedrick said emphasizing his last sentence.

“But FORTUNATELY, you weren’t there.”

At nagpatigasan lang ng tingin ang dalawa na tila ba may boltahe ng kuryente ang naglalaban mula sa mga mata nila.

 

“Will the two of you shut up?” malakas kong sigaw sa dalawa

Napansin ko rin namang tumahimik ang iba pa naming kaklase at napatigil sa kani-kanilang ginagawa.

“Kung anuman ‘yang laro o kalokohang ginagawa niyo ay ‘wag niyo akong idamay. Don’t you dare make me the trophy,” mariin kong sabi.

“Ehem, ehem,” tighim ni Phillip mula sa tabi ko cutting my deadly stares.

“Danie, will you help me on this one? I think diniscuss niyo ito nung absent ako.”

Tinaasan ko lang ng kilay ang dalawa. Naghiwalay na sila ng tingin at naupo ng maayos. Nung harapin ko si Phillip, he was asking me about a lesson na sigurado akong mas alam pa niya kaysa sa akin.

-------------------

Thank you for reading!

Please vote and comment.

~ Elaine Kitty

The F WordMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon