54
~ Eureka
>>>DANIELLA’S POV
“Miss, okay ka lang ba?” sabi ng babae mula sa labas ng cubicle.
Kilala ko ang boses na ‘yun.
It is her!
Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at binuksan ang pinto ng cubicle.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, sumigaw ako ng parang isang batang nawalay sa nanay niya.
“Monica!”
Niyakap ko siya agad.
“Monica....” sabi ko pa na parang batang nagsusumbong.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko.
“Hay, Danie... Tinakot mo naman ako... Akala ko eh ikaw ‘yung multo na si Ma ---“
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya because I already started crying... again.
“What’s wrong? What happened to you?”
At kahit pa umiiyak ako, nagawa ko pa ring ikwento kay Monica ang lahat-lahat. ‘Yung mula sa hotel hanggang sa panliligaw ni Cedrick papunta sa mga nangyari nung charity auction at syempre, yung confession ni Matt sa EK. Pero I skipped one part...
Umiiyak pa rin ako ngayon. Hindi ko akalaing kaya ko palang umiyak ng ganito karami. Parang bottomless.
Nakikinig lang naman si Monica sa akin the whole time. Pilit na rin niya akong pinatahan.
“I had everything planned,” I said between sobs. “Every little detail figured out but then he came and suddenly, everything’s so messed up.”
Napansin kong bahagyang napakunot ng noo si Monica. Then she smiled. ‘Yung ngiti ni Archimedes nung sinabi niya ang salitang “eureka”.
“Wala lang dapat ito sa’yo,” she said.
Pinahid ko naman ang mga luha ko using the back of my hand. What is she trying to say?
“Ha?”
“Kung hindi mo rin siya gusto, wala lang dapat ito sa’yo,” she added. “If you’re not feeling the same, hindi ka dapat nasasaktan ngayon.”
“What? So you mean that I’m also ---”
“Yes Danie,” she said confirming my unfinished sentence. “I think you are also in love with him.”
Nakangiti lang siya sa akin at ako?
I can’t explain what I’m feeling right now. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong magpa-party kasi nagkaroon na ng label ang nararamdam ko o dapat na ba akong magsuot ng itim at ideklarang national mourning day ito gaya ng mga pamilyang nagluluksa sa pagkamatay ng apatnapung-apat na miyembro ng SAF.
Bigla naman akong niyakap ni Monica at sinabing,
“Awww... Si Daniella ko, dalaga na....”
----------------
A/N:
I don’t mean any offense in mentioning the Fallen44 on this part. This men gave their lives for our country and I truly salute them for that.
Thank you for reading.
Please vote and comment.
~Elaine Kitty
![](https://img.wattpad.com/cover/1273643-288-k682851.jpg)
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...