1 ~ First Day High

490 2 5
  • Dedicated kay Shieldenmariz Dechavez
                                    

para sa kanya na kinilig nung sinabi ko ang kwentong ito... hahahah!

*********************

 

 1

~ First Day High

Sa isa sa mga pinakasikat at pinakapinagpipitaganang unibersidad sa bansa (*nosebleed*) ay makikitang bising-busy na naman ang mga corridors, grandstand, at classrooms ng paaralan. First day of school. Isang bagong simula ng taon para sa mga estudyante. Sa klase ng mga third year business administration students ay umpuk-umpukan na naman ang mga magbabarkada.

>>>DANIELLA’S POV

“Hi, Phillip!”

“Hello, Danie. Kumusta naman?” may makahulugang ngiti na sabi nito.

“Ha-ha! Parang hindi nagkita ng dalawang buwan?”

Kakatawa talaga itong si Phillip. Kung makapangumusta ay wagas. Akala mo ay hindi kami magkasama nitong summer. Halos araw-araw nga eh nasa bahay namin yan. Tsk!

“Ang sungit naman!” - Phillip

“Alam niyo ba... Balita ko ay may bago tayong classmate.” - sabi ng isa kong kaklase na parang kinikilig

“Talaga? Ano raw ang pangalan?” – tanong naman ng isa ko pang kaklase

So? Ano naman kung may bago kaming kaklase? Bakit parang super-duper excited sila? Parang hindi na mapakali itong dalawa. Parang matatae-maiihi na sa kinauupuan.

“Matthew... Matthew Stevens!”

“OW-EM-GI! Name pa lang niya ang gwapo-gwapo na!”

At yun na nga... Namatay na sila este nagtitili na yung dalawang classmates ko na nagkukwentuhan...

“Wala na ba talaga silang ibang pag-uusapan kundi lalaki?” – bulong ko kay Phillip

“Bakit? Ikaw lang naman ang hindi nage-enjoy sa topic na yun eh,” sabi niya na parang nang-aasar pa ang kulay honey gold niyang mga mata.

“Tsss...” sabi ko sabay pout.

“Ang cute-cute mo talaga!” at bigla namang pinisil ni Phillip ang pisngi ko...

“Aray! Masakit yun ah!”

CLAP! CLAP!

Si Ma’am! And’yan na pala! Tsk! Kakahiya naman oh... Napalakas pa naman ‘yung pag-aray ko... Si Phillip naman kasi eh...

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon