para kay sis... dahil like na like niya 'yung magic trick ni Matt.. ^__^
************
4
~ Date
>>>MATTHEW’S POV
“Pare, libre ka ba sa weekend?”
“Oo, bakit?”
“May hihingin sana ako sa’yong favor eh. Single ka naman, di ba?”
“Teka, parang hindi maganda ang pakiramdam ko d’yan ah....”
“Sige na, tol... Date lang naman eh... Ayaw kasing pumayag nung nililigawan ko na makipag-date unless kasama niya ‘yung friend niya tapos humanap daw ako ng ipe-pair dun.”
“Tsk! Naman oh. Isinali mo pa ako d’yan...”
“Sige na, pare... Please... Ililibre kita ng lunch sa second semester. One week.”
“Ang lakas talaga ng tama mo dun sa babae na ‘yun, ano?”
“Oo eh,” at napakamot pa sa ulo ang mokong.
“Sige. Pero two weeks. Two weeks mo akong ililibre ng lunch.”
“Okay, call!”
Hay naku! Ano ba itong pinasukan ko? Ano bang alam ko sa mga ganitong bagay? Alam kong gwapo ako pero pambihira... Hindi ko talaga alam ito. Tsk! Ano bang dapat ginagawa sa date?
A/N: Naku, Matt! ‘Wag mo akong tanungin. Wala ring experience ang maganda niyong author d’yan. Hahaha! Keribels mo na ‘yan. Gwapo ka naman. ;)
*date*
15 minutes before the set time, andito na kami ni Julius sa isang first class restaurant na nasa loob ng isang mall. Magaling ding pumili ng lugar ang isang ito. Mukhang in love na in love. Hehehe. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Miriam, ang nililigawan ni Julius at si Eunice, yung ka-date ko.
Sina Miriam at Eunice, they both look amazing. Mukha namang tinamaan ng pana ni kupido itong si Julius nang makita si Miriam. Hahaha! Ibang klase pala ang isang ito kapag na-in love.
While the two loverbirds were really having a good time, napag-alaman ko na tulad lang pala kami ng sitwasyon ni Eunice. I mean, pareho lang kaming sabit sa date na ito. According to Eunice, kinakabahan daw kasi talaga ang best friend niya sa date na ito. Hindi dahil sa first date ito ni Miriam kundi dahil she felt like this time, it would be different. Miriam felt like she already found the one. Ayos naman pala itong sina Julius at Miriam eh. Mukhang match made in heaven ang drama. Hehehe...

BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...