53
~ Wedge
>>>SEXY AUTHOR’S POV
Kagagaling lang niya nun mula sa huling klase niya. Medyo dumidilim na rin ang paligid at karamihan ng mga estudyante ay wala nang klase ng ganitong oras.
Bigla naman siyang nakaramdam ng pag-ihi at nagpunta sa pinakamalapit na CR.
Pagbukas niya ng pinto, walang ring ibang tao.
Asa third floor na kasi ang CR na ito at hindi karamihan ang nagkaklase sa parteng ito ng school. Ayon pa sa mga kwento-kwento, may nagmumulto raw na babae sa CR na ‘yun. Rape victim daw ang babaeng multo kaya naman tuwing nagpaparamdam ito, maririnig mo ang mga iyak niya. Mary daw ang name nito.
Syempre, kwento-kwento lang naman iyon. Wala naman talagang nakakaalam kung totoo nga ba ito kaya nagkibit-balikat na lang siya. Ihing-ihi na kasi siya at baka maabot na siya kung sa kasunod na floor pa siya iihi.
Pumasok siya sa unang cubicle at kaagad nakahinga ng maluwag matapos mailabas ang tawag ng kalikasan. Inaayos na niya nun ang kanyang pantalon at palabas na sana ng cubicle nang makarinig siya ng pagsinghot. Sinundan naman ito pag-iyak at ‘di kalaunan ay naging hagulhol.
Napatingin siya sa kaliwa niya. Naririnig niya kasing dito nanggagaling ang pag-iyak. Kaagad siyang lumabas ng cubicle. Nakatingin lang siya ngayon sa reflection niya sa salamin. Bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib niya.
“Sheet of paper,” she said mentally.
Bigla niya kasing naalala ang mga kwento-kwento kay Mary. Tila nahintakutan naman ang buong pagkatao niya.
“Minumulto na kaya ako?” tanong niya sa sarili
Natatakot man ay naglakas-loob siyang sumilip sa ilalim ng unang cubicle. Nakita niyang may pares ng paang naka-sapatos sa loob.
Lalong kumabog ang dibdib niya.
“Hindi kaya si Mary ‘yun?” sabi pa niya sa sarili.
Sinilip niya pa ulit ito ng isang beses at nakitang may pares talaga ng paa na naka-wedge rubber shoes na kulay asul.
“Si Mary? Naka-wedge rubber shoes?” bulong niya sa sarili
“Miss,” tawag niya sa taong nasa unang cubicle at bahagyang kumatok. “Okay ka lang ba?”
>>>DANIELLA’S POV
After hearing his plead, lalo nang nagwala ang puso ko.
Patuloy na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Hindi ko alam. Bakit ba kasi ako nasasaktan?
Niyakap ako ni Matt. His one hand on my waist while the other one was stroking my hair.
I was crying out loud. Humahagulhol na ako pero lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit.
I wanted to push him away. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano niya ako sinasaktan ngayon.
Pero wala akong nagawa.
Pero wala akong nagawa kundi ang yakapin din siya at umiyak sa balikat niya.
When I finally calmed down, Matt asked me if I wanted to drink some water.
Umiling lang ako.
He dried the last tear from my eye using his hand. Hindi ko man nakikita, alam kong pugtung-pugto na ang mga mata ko ngayon.
Dumidilim na ang paligid. I lost track of time. We might have been here for more than an hour.
He offered to take me home but I kindly refused.
I just told him that I needed my time alone. He nodded and smiled a bit.
Bago kami tuluyang maghiwalay, dumaan muna ako sa CR. Nakita ko naman siya na tuluyan nang bumaba ng hagdan.
Pumasok ako sa CR. Walang ibang tao. I entered one of the cubicles at naupo sa toilet seat. Naalala ko na naman ang sinabi ni Matt.
“Please don’t say no. Please say you’ll think about it.”
Napansin kong nababasa na ang pantalon ko.
Umiiyak na naman pala ako.
I covered my face with my hands. Ano bang dapat kong gawin para tumigil na ang mga luhang ito? Leche flan! Bakit ba hindi ito nauubos?
Tuloy pa rin ako sa pag-iyak nang marinig kong may kumatok sa cubicle.
“Miss, okay ka lang ba?” sabi ng babae sa labas ng cubicle kung nasaan ako.
My crying stopped.
I couldn’t be wrong. I know that voice too well.
----------------------
Daniella's wedge rubber shoes ------------->
Thank you for reading! Maraming salamat din po sa paghihintay.
Please vote and comment.
~ Elaine Kitty
BINABASA MO ANG
The F Word
Fiksi Umum"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...