18 ~ High School

93 2 0
                                    

 18

~ High School

>>>DANIELLA’S POV

After I finished my first song, I can’t believe that the crowd was standing and cheering for me. My smile widens at napatingin ako kina Monica, Phillip at Riley.

“Go girl!” sigaw ni Monica.

 

“Woohh! Asawa ko po yan!” sigaw naman ni Riley.

Ang mokong na ‘yun! Sira-ulo talaga... Nahawa na sa mga fan girls niya.

Binigyan naman ako ng two thumbs up ni Phillip habang kitang-kita ko ang galak at tuwa (teka, hindi ba tulad lang yun?) sa mukha ni Ma’am Dominguez.

Nakita ko rin si Matt na nakatingin sa akin pero I am not sure kung paano ko iinterpret ang reaksyon niya. Nakangiti siya pero I can sense that he seems to be surprised. Hahaha!

Sino ba naman ang hindi masu-surprise? Ang masungit, suplada at menopausal pala nilang kaklase ay rakista pala sa stage...

Habang tumutugtog ang intro ng next song ko, napansin kong may lalaking pumasok sa booth namin. Naka-bonet siya at naka-shades. Teka. Siya nga yun! Siya nga yung nabunggo ko kanina sa labas! Siya yung model ng bench!

Nagpatuloy na ako sa pagkanta ng “Let It Go”. Opo, hahahah! Say! Dume-Demi Lovato rin po ako. Hahahha! Para sa third song ko, I sang “A Thousand Years”. Maganda ata itong wedding theme song. Crap! Wedding? Marriage! Arghh! Haissst... Kakanta na nga lang ako... >.<

Pagkatapos kong kumanta, bumaba agad ako sa stage at nagpunta kina Phillip.

“Asawa ko!” sabi ni Riley habang aakmang yayakap sa akin.

POINK!

Pinitik ko naman si Riley sa noo niya.

“Aray ko naman.”

“Hindi mo ako asawa,” seryosong sabi ko.

“Ikaw naman! Hindi ka na mabiro,” sabi niya habang napapakamot sa ulo.

“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...” kanta ni Monica.

“Monica, mali ata ang kanta mo,” sabat naman ni Phillip. “Wala namang kailangang ibalik na tamis ng pag-ibig eh kasi poporma pa lang nun si Riley eh basted na agad.”

Sabay namang tumawa sina Phillip at Monica. Ako man ay natawa sa sinabi ni Phillip.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon