16 ~ Backstage

74 0 0
                                    

16

~ Backstage

 

>>>DANIELLA’S POV

In two minutes, our show is about to start. Dahil nga sa pagkawala ni Mariz, our songs are rearranged. Una munang kakanta si Monica followed by Matt, Philip and three more boys. And after that? Well, I think you already know who’s next to perform. Huhuhuhu!

Sobrang kinakabahan pa rin ako. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa may backstage. Kasama ko dito sa likod si Monica at kahit hindi niya sabihin eh alam kong siya na ang nahihilo sa ginagawa ko.

“Ui, Danie... Okay ka lang ba?”

Napatingin ako kay Monica. Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa tabi niya.

“Kinakabahan ako, Monica. Sobra!”

“Mukha nga. Halatang-halata eh.”

“Hayyysss....”

“Relax ka lang. Hindi ka naman lalamunin ng stage eh.”

“Monica, you’re up in 30 seconds,” sigaw ng isa naming classmate.

Tumayo na si Monica at naglakad papalapit sa entrance papuntang stage.

“Calm yourself down,” she said before entering the stage. “You’re pretty great up there,” then she winked at me.

***

Monica’s songs were composed of several songs all popularized by Demi Lovato. Una niyang kinanta ang “Here We Go Again”, then ” Give Your Heart a Break” at lastly, “Neon Lights”. Matapos kumanta ni Monica ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga nanonood. Wala pa rin talaga siyang kupas. Hindi na rin naman natapos ang ingay na nagmumula sa audience dahil sinundan naman ito ng tili ng mga kababaihan. Lumabas na siguro ang male singers namin. Ang mga gwapong singers namin.

Gaya ng naunang trend, mix of songs din ang kinanta nila. At dahil nga sa limang makikisig na binata sila, their songs are of One Direction’s. They first sang “What Makes You Beautiful”, followed by “Little Things”. Ang huli nilang inawit for their group performance ay ang “Best Song Ever.”

Crap! Matatapos na sila. Matatapos na sila. Matatapos na sila!!! Ako na ang kasunod!

“Danie?”

Napatingin naman ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko ang isang gwapong lalaki na nakangiti sa akin.

“Riley!”

Napatakbo naman ako sa paglapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Napansin ko na nasa likod niya pala si Monica.

“Ui, easy! Para namang hindi tayo nagkikita n’yan eh.”

 

“Sorry,” I pout.

“Bakit ka nandito? Hindi ba ikaw ngayon ang DJ sa radyo?”

Yes, my dears. Siya ang ultimate heartthrob ng Campus Radio Station namin. He’s well-known as DJ Ray kapag nasa radio. At dahil nga friend ko ang lalaking ito since elementary ay hindi nakakapagtakang ang booth namin ay talaga namang sinusuportahan niya ng todo. Hahahah! Bias! Teka, pambihira! Nakakatawa pa ako ng lagay na ito. Tsk!

“Tinawagan ako ni Philip kanina. Nag-aalala siya sa’yo. I immediately went here. Ano bang nangyayari sa’yo?”

Tiningnan ko lang silang dalawa at napabuntong hininga. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Isa lang ang sigurado ko, kinakabahan ako.

“Alam niyo ‘yung feeling na parang nangangatog ‘yung tuhod niyo sa sobrang kaba? ‘Yung parang kasinglambot na siya ng jelly and anytime ay pwede na siyang bumigay?”

And by that, nagkatinginan ang dalawa at biglang tumawa.

“What’s funny?”

 

“Well,” pasimula ni Riley habang pinipigil ang tawa. “That’s exactly what you’ve said before.”

 

“When?”

 

“Before performing OUR first live song on stage,” Monica answered.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon