46 ~ Fireworks

63 2 1
                                    

46

~ Fireworks

>>>DANIELLA’S POV

That attraction was really fun. Ngingiti-ngiti akong lumabas ng horror house habang humihingal naman itong kasama ko.

Paano kasi...

‘Yun kasing mga nakaupong life-sized monsters dun ay hindi statues lang. They were actually real people. At sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako ang nilapitan nito kundi si Matt.

Kaya, ayun... Nagtatakbo si Matt paikot habang hinahabol siya nung “monster”. Hahahaha!

Nakalabas na kami ng horror house.

I looked at him while laughing.

“You should have seen your face. Hahahaha!”

 

“Sige. Pagtawanan mo pa ako,” asar niyang sagot.

Pinigilan ko naman ang pagtawa ko.

“Sorry. I couldn’t help it,” sabi ko at nagpipigil pa rin ng tawa. “Minsan lang kasi kitang makita na ganun. You were always the one who did the rescuing, remember?”

“Sino ba naman kasing lalaki ang gugustuhing makita siya ng ka-date niya na he was so afraid of a freaking horror house? Nakakahiya kaya!”

Napansin ko namang namumula ang mga tenga niya.

He smiled at napakamot sa ulo.

“Nagutom ako dun ah. Let’s eat.”

Umorder si Matt ng double-sized pizza, 2 bottled water at bumili rin siya ng DQ ice cream. Habang kumakain, nanonood rin kami ng show sa food court.

Tinanong ako ni Matt kung may gusto pa akong sakyang rides. Gusto ko pa sanang sumakay sa Wheel of Fate lalo na at madilim na pero sinabi ko na lang sa kanya na okay na ako. Mukha kasing napagod talaga siya sa horror house kanina.

Matapos kumain, naglakad-lakad na lang kami at nanood ng mga street shows. May sumayaw ng mala-broadway sa Brooklyn Place at meron ding nag-fire dance malapit dun sa isang souvenir shop.

Matapos ang mga street shows, pumunta ulit kami sa souvenir shop para bumili ng pampasalubong. Ako na sana ang magbabayad ng mga kinuha kong items pero hinablot ‘yun ni Matt at siya ang nagbayad.

“I really can’t believe you,” sabi ko sa kanya pagkalabas namin ng souvenir shop.

“It’s our date. I should be the one paying.”

 

“Do I have to remind you that you’ve already spent MILLIONS for this date?”

In-emphasize ko talaga ‘yung word na “millions”.

“Exactly. I already spent a lot. It wouldn’t hurt kung gagastos pa ako ng konti para sa’yo.”

Kumunot ang noo ko.

“Please don’t get me wrong. I’m not really an expert on dates and stuffs but this is our first date. The guy should do the spending, not the girl. That’s what I know, at least.”

I told you. He’s really good in arguing.

“Tsss... Do I really have a choice? And why is it that you sound like this won’t be our last date?”

 

“Why not?”

Napailing na lang ako.

Maya-maya pa, narinig na namin ang announcement na malapit na ang fireworks display. Naupo kami ni Matt sa isa sa mga bench kung saan kitang-kita ang kalangitan.

Nagkwentuhan lang kami ni Matt habang naghihintay. We talked about Christmas stuffs like dapat kaming mag-Christmas party at magkaroon ng Kris Kringle.

Then, narinig namin ang announcement na magsisimula na ang fireworks display.

The colorful display started. Napakakulay ng madilim na langit. I don’t know about other people but I feel this unusual fun and excitement kapag nasa EK ako. That kind of happiness na parang walang kaproble-problema.

“Wooow! Ang ganda,” sambit ko habang nakatingin sa fireworks display.

“Yeah... Couldn’t be more beautiful,” sabi ni Matt.

Tumingin ako sa katabi ko at napansin kong hindi naman siya nakatingin sa fireworks display.

“Hindi ka naman nakatingin eh,” protesta ko at ibinalik ang tingin sa langit.

“I’m looking at her right now.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

I looked at him again and I realized that he was looking at me the whole time.

At kahit pa maingay ang paligid dahil sa mga nagpuputukang fireworks at humahangang mga tao, I heard him say something loud and clear.

“I think I’m about to go crazy if I can’t tell you this right now. I like you, Daniella. I really do and I think I’m already in love with you.”

------------------

A/N:

Waaah! Ako na ata ang mababaliw kay Matt...

Thank you for reading!

Please vote and comment. :)

~Elaine Kitty

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon