34
~ Can’t Escape
>>>DANIELLA’S POV
Hindi na naman ako masyadong nagkaproblema sa mga afternoon classes since hindi naman namin kaklase si Cedrick.
Irregular student nga kasi ang pinsan ni Matt dahil sa paghinto nito kaya may mga subjects siya na pang-second year at third year.
Magkaganun pa man, Matt never left my side. He just keeps on talking about his jokes that never fail to make me laugh. Never din naman niyang nabanggit o naitanong sa akin ang kahit na anong bagay na may kinalaman kay Cedrick.
“Ihahatid na kita,” yaya sa akin ni Matt pagkatapos ng last subject namin.
I was about to say no but...
“I wouldn’t take no for an answer, hindi naman umuulan eh,” he said as if reading my mind.
Masyado pang sariwa sa akin ang mga pangyayari nung huling beses ba inihatid ako ni Matt na nauwi sa page-stay namin sa hotel.
“At saka mahirap na... Baka kung sino pa ang magyayang maghatid sa’yo,” he continued.
Nang makauwi na ako, nakatanggap ako ng text message galing kay Phillip. The message said na sa Wednesday pa siya ng hapon makakauwi.
Anak naman ng tokwa, oo!
Ang galing din talagang tumiming ng isang ‘yun eh!
Nang mga sumunod pang araw, Matt always tried to “rescue” me from Cedrick. Lahat ng posibleng moves ni Cedrick, ginagawang palpak ni Matt.
Cedrick must be so pissed off.
Mabilis na lumipas ang dalawang araw na si Matt ang lagi kong kasa-kasama. Pauwi na sana kami ni Matt at plano niya ulet akong ihatid.
But then, he suddenly felt the urge to go to the men’s room. Naiwan ako sa parking lot when I saw someone whom I was avoiding for the last three days...
Mabilis siyang lumapit sa akin habang sinubukan ko namang humakbang palayo sa kanya.
Hindi ko napansin na wala na pala akong mauurungan dahil nasa likod ko na ang kotse ni Matt.
Ultimately, Cedrick managed to trapped me between his two muscular arms.
Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Hindi ko magawang gumalaw o magpumiglas. Tila ba naninigas ang buo kong katawan. I could also smell his warm breath.
“Love, you can’t escape from me forever,” he said habang amoy na amoy ko ang masculine scent niya.
Matt, asan ka na ba kasi?
“La-layuan mo nga ako,” I said stammering. Anak naman ng tinapa!
Then he touched my left cheek using the back of his hand and whispered something to my ear.
----------------------
A/N: I don't know kung may nagbabasa po nito. Kung meron man, mag-comment naman po kayo (sana, pretty please!) or kindly hit "vote" para malaman ko. Salamat po!
~Elaine Kitty <3
BINABASA MO ANG
The F Word
Ficción General"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...