38
~ Auction
>>>DANIELLA’S POV
Heto ako ngayon sa kwarto ko kasama ang favorite stylist at make-up artist namin na si Ms. Suzanne Lee.
Hay naku! Bakit nga ba ako napasok dito?
*flashback*
“Sige na, mare. Payagan mo na ang inaanak ko,” pangungulit ni Ninang Mandy kay Mommy.
“Hindi naman sa ayaw ko,” paliwanag ni Mommy. “It’s just I’m concern sa kaligtasan ni Danie. Hindi naman lahat ng pupunta dun ay kakilala natin.”
Yes, mommy! Tama yan! Ganyan nga po! Go, go, go!
“Kaya nga, mare... sa bawat bachelorette na kasali, may naka-assign akong body guard. I can make it two or even three for my inaanak. Isa pa, it’s just one date.”
Tumingin sa akin si Mommy. I gave her my most pleading look not to say yes.
“Hindi ko naman talaga sana isasali dito si Danie eh,” dagdag pa ni Ninang. “I know she’s not used to this kaso lang... biglang nagkaproblema sa mga klase ni Kate.”
Aww, Ninang! Don’t be like that!
“O sige na, sige na,” my mom gave in. “Basta ha? Ikaw na ang bahala kay Danie.”
*end of flashback*
So here I am. Inaayusan na nga ako para sa charity event na gaganapin mamaya. Dahil nga sa hindi pwede ang kinakapatid ko, I had to fill in her spot.
Kung ‘yung usual na charity event ay wala naman talagang problema but this one is quite unusual. Instead kasi na mga pre-loved items, mga bachelorette ang for auction. Isang dinner date ang kapalit kung sakaling ikaw ang highest bidder. Kahit pa sabihing may bodyguards ako, natatakot pa rin ako. Paano kung manyak, magnanakaw or worse psycho killer yung bidder ko? Yikes!
“Oh, ayan,” nakangiting sabi ni Miss Suzanne na halos magpapikit na sa singkit niyang mata. “You look gorgeous.”
Matapos ang mahigit dalawang oras, I am now ready to attend that charity event. I am wearing a black chiffon halter neck dress. Kalahating hita ang haba nito sa unahan at bahagyang mas mahaba sa likuran. Tinernuhan ko naman ito ng black stiletto. Nakataas din ang buhok ko pero medyo dirty look at may mga locks na nakababa sa gilid. My make-up is light, just the way I always like it.

BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...