3 ~ The Reason

225 4 5
                                        

para kay bebe... sa pagpapataba ng aking puso...

***************

3

~ The Reason

 

 

>>>DANIELLA’S POV

Mabilis na lumipas ang buwan... Matatapos na pala ang unang semester namin ngayong junior year. Ganun pa rin naman ang naging buhay ko these past few months. I still am the “napakasuplada, napaka-moody, at menopausal na Management major sa kolehiyo namin. Pero recently, I got a compliment from Philip.

“Mukhang makukuha na sa’yo ang korona ah.”

 

“Ha? Anong korona?”

 

“You’re smiling more, dear. Hindi mo ba napapansin?”

 

“Really?”

“Yes. Do you think it has something to do with him?” sabay turo sa upuan ni Matt.

Yeah. I call him Matt. Hindi na Matthew Stevens o Mr. Stevens. Huwag na huwag ko rin daw siyang tawaging Mr. Stevens. Hindi raw siya ‘yun. Daddy n’ya raw ‘yun. Tsk! Ang daming alam. Well, anyways, ever since that day sa parking lot eh medyo gumaan na ang loob ko sa mokong na ‘yun. Though there were still several times a week na pinagti-tripan ako nun at kung anu-anong magic ang ipinapakita sa akin eh ayos lang. Nung una eh inaasar pa kami ng mga kaklase namin... Sabi eh ligawan daw ako ni Matt. Ha-ha! Like that’s possible. Pero nung magtagal ay nasanay na rin sila sa kalokohan ni Matt. Minsan nga eh tag team pa sila ni Julius sa kanilang kalokohan.

“Of course not!”

“Eh bakit parang guilty ka? Hahahah!”

 

“Hoy, Philip Lawrence Trinidad. Tigil-tigilan mo ako niyang kalokohan mo ha?”

 

“I’m just saying.... bagay kaya kayo...” at tinaas-baba pa niya ang mga kilay niya.

“Shut up!”

“Ui, ayan na pala siya. Ayan na ang iyong prince charming. Hahahaha!”

Napatingin naman ako bigla sa may pintuan. Andun na nga ang prince charming ko este si Matt. Pwe! Ano ba naman ‘yang dilang yan! Nahahawa na pati ako sa kalokohan ni Philip.

Naupo na si Matt sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin. Bigla naman siyang ngumiti at sinabing...

“Good morning, beautiful!”

BOOM!

Naghiyawan at nagtilian na nga ang mga kaklase ko!

Haist!

This is going to be a long day.

 

 

>>>MATTHEW’S POV

 

Siyempre, hindi ko pa rin tinigilan si Daniella. Lagi ko pa rin ‘yung kinukulit at inaasar. Ang cute-cute niya kasi talaga kapag naasar, minsan ay nagpa-pout pa. Pero hindi na katulad nung una ang mga reaksyon niya, kadalasan eh hahampasin niya ako ng libro niya sa balikat o di kaya’y mambebelat. Hahahah! Ang cute! Lumalabas tuloy ang childish side siya. Ano ba ‘yan! Puro cute na lang ata ang nasabi ko. Hehehe. Anyways, napansin ko rin na mas madalas na siya ngayong ngumiti. But still, there is something that keeps bothering me about her.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon