22
~ One Night Only
>>>DANIELLA’S POV
Dahil sa mukhang hindi na talaga titila ang ulan, wala na kaming nagawa kundi pumunta sa pinakamalapit na hotel. Kaya pala elevated ang mga hotels lalo na sa lugar na ito, anticipated na nila ang pagbaha.
Ipinasok ni Matt ang kotse sa parking area ng hotel. Meron din siyang kinuhang backpack bag mula sa likod ng sasakyan. Kaagad naman kaming pumunta sa lobby ng hotel para mag-inquire.
“Good afternoon, ma’am, sir. How may I help you?” magalang na tanong sa amin ng babae sa front desk.
Tumingin lang ako kay Matt.
“Ah, miss... We need two rooms, any kind. We just need a place to stay tonight,” sagot ni Matt.
Ngumiti sa amin ang babae, tumingin sa monitor at may pinindot sa keyboard.
“I’m really sorry pero isang honeymoon suite na lang po ang available namin.”
“What?” Hindi ko na napigilang hindi sumabat. “Miss, wala na po ba talagang iba?”
“Sorry, ma’am. Wala na po talaga eh.” Haist! Ano ba yan oh!
“Daniella,” tawag sa akin ni Matt. “We could look for another hotel if you want.”
Hindi muna ako sumagot. Mula sa lobby ay medyo tanaw ang kalsada. Malakas pa rin ang ulan at lalo pang tumaas ang tubig.
I took a deep breath.
“Let’s just take the room.”
“Sigurado ka?” tanong ni Matt sa akin
“Hindi ka naman nangangagat, di ba?” I hesistantly asked.
“Well, that is something that I cannot promise,” he answered teasingly.
I glared at him. Nakakainis talaga!
“Joke lang! Hindi ba pwedeng mag-joke?” tawang-tawa niyang sagot sa pagkainis ko.
I just rolled my eyes at him.
“Well take the room,” sabi ni Matt sa clerk ng hotel.
Anak ng tinapa! What could be worse?
***
Dahil wala naman kaming dalang gamit, sinamahan na lang kami ng isang bell boy papunta sa kwarto namin. Since dalawa yung susi ng room (actually card at hindi susi ang pambukas), tig-isa kami ni Matt.
Tinuruan rin kami ng bell boy kung saang elevator sasakay. From the lobby, pwede ang alinman sa dalawang elevators na nandun. He told us that from that elevator, kailangan naming dumaan ng second floor. Mula sa second floor, sasakay kami sa isang partikular na elevator malapit sa receiving area ng floor. He instructed us na kailangang i-slide ang room card namin dun sa slot malapit sa elevator buttons para makarating sa 12th floor kung nasaan ang room namin.
Nang maihatid na kami ni bell boy Ron (according to his name tag) sa room namin, nagpasalamat naman ako sa paghahatid niya sa amin at kaagad naman siyang binigyan ng tip ni Matt.
Binuksan na ni Matt ang kwarto. Hindi naman siya katulad ng ibang honeymoon suites na napapanood ko sa mga pelikula na may heart-shaped na kama o kung ano pa mang odd shape. It’s just... isa lang yung kama, isang king sized bed.
Tumingin ako kay Matt. Bigla rin naman siyang tumingin sa akin.
“Ano? Hindi pa ba natin ito uumpisahan?” tanong ni Matt
“Ang alin?” inosente kong tanong. Ano ba kasi ang sinasabi nito?
“Strip,” seryoso nitong sabi.
“Bastos ka!” sigaw ko sa kanya sabay hagis ng bag ko na kaagad naman niyang nasalo
“Hahahhahaha!”
At lalo pang tumawa ang Matt na yun. Ay naku! Talaga naman! Itong Matt na ito, may pagka-green talaga eh!
“Sorry na! So-rry na,” paputol-putol niyang sabi habang patuloy na tumatawa. “I can’t help it eh. Mukha kasing kabadong-kabado ka na kanina...”
“Ewan ko sayo,” naiirita kong sagot.
“Sorry na,” seryoso niyang sabi. “I wouldn’t bite. I wouldn’t do anything nasty tonight, okay?” Inabot ni Matt ang bag na inihagis ko sa kanya. “Just take the bed and I’ll take the couch.”
“Pero Matt, teka lang...” Ano ba ito? Parang kanina eh nang-aasar lang tapos biglang nagpapaka-gentleman na? “Ikaw na nga ang nagbayad nitong room eh, ikaw pa rin ang nagbigay ng tip dun sa bell boy. Okay lang naman ako dun sa couch. Ikaw na lang ang matulog sa kama.”
“No, Daniella,” sabi pa niya habang nakahalukipkip. “Hindi yun mangyayari. I may be mischievous at times pero lalaki pa rin ako, I should always behave like a man. At huwag ka na ring makipagtalo pa, you wouldn’t win this kind of argument. Sa bed ka, sa couch ako.”
“But—“
“No more but’s, Ms. Montecillo,” he said after cutting me off. “Magsa-shower na muna ako,” at kinuha ni Matt ang dala niyang bag na may lamang mga damit niya.
Naglalakad na siya papuntang banyo habang dala-dala ang mga damit niya when suddenly....
“I forgot to ask,” panimula ni Matt. Tumingin naman ako sa kanya habang bahagya nang napapaarko ang kaliwang kilay ko.
“Do you want to join me? I bet mas masayang mag-shower na may kasama,” then he smiled devilishly.
“Arggggh! Just take a shower, okay?” sigaw ko kay Matt.
Then he entered the bathroom laughing enormously.
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...