36
~ Campus Radio
>>>DANIELLA’S POV
Thursday. Tuwing ganitong araw, marami kaming vacant periods. Sa umaga, we only have two classes. It starts from 7:30 until 10:30. Sa hapon naman ay 1:30-3:00 lang.
Nagla-lunch kami nun sa canteen kasama sina Phillip, Matt, Julius, Aila at Reynan. Habang kumakain, nakikinig din kami sa radio station ng university namin.
“Magandang tanghali sa inyong lahat. Ako po si DJ Ray na nagsasabi sa inyo na bagama’t nagka-happy ending na ang lahat ng istoryang binabasa niyo sa wattpad, you don’t have to worry. Hindi pa rin naman nagkaka-happy ending si DJ Ray.”
“Ang corny talaga ni Riley,” Phillip said and we laughed.
“Hayaan niyo po akong samahan kayo ngayong tanghali kasabay ng inyong favorite love songs na maaaring magbigay ng isang matinding throwback sa inyong buhay pag-ibig o di kaya naman ay magdulot ng kilig to the bones experience nang dahil sa inyong minamahal. So, ayun. Ang corny ko na, tanghali pa mandin. Kung may nais po kayong i-request na kanta, just dial 793-1234 or text me at 09987654321 and I will gladly play that song for you.”
“Reynan, tawag na,” sabi ni Julius. “Mag-dedicate ka na ng kanta para kay Aila.”
Nagsitawanan na naman kami. Maya-maya pa, muli naming narinig ang boses ni Riley.
“DJ Ray here. From our first message sender, he said:
Daniella,
I meant what I told you yesterday sa parking lot.
Please give me chance.
-Cedrick
Daniella, kung nakikinig ka man ngayon, Cedrick wants to dedicate this song for you...”
[Now Playing: One Thing by One Direction]
*music video included*
The song was already playing nang mapansin kong nakatingin na pala sa akin ang lima kong kasama. Questions were written all over their faces except for the one beside me. Hindi ko mabasa ang expression sa mga mata ni Matt.
My phone beeped.
I received a text message from Riley saying:
“Danie, don’t tell me na ikaw yung Daniella na tinutukoy ko on-air? I’m worried about you. PM me back asap.”
>>>MATTHEW’S POV
Daniella was looking at me pero nag-iwas ako ng tingin. Napansin ko rin na nakatingin na sa amin ang karamihan ng mga estudyante sa canteen.
Kung ibang estudyante lang sana, they wouldn’t know. But of course, Daniella is a Montecillo. Most students will know her. Actually, hindi lang naman siya. Most of my classmates ay kilala sa buong campus since mga anak sila ng top business tycoons sa bansa.
Pagkatapos naming kumain, we immediately went to our next class. Karamihan ng mga estudyanteng madaanan namin ay nagbubulungan.
Ang mga babaeng may crush kay Cedrick, ayun! Halos patayin na si Daniella sa mga tingin nila.
And the guys?
For goodness’ sake, they are checking her out!
Baka makasapak ako ng hindi oras dito.
Mabuti na lang at vacant ‘yung room kung saan ang aming next class. Naroon na rin ang iba pa naming classmates. Isinara muna ni Aila ang pinto at pagkapasok na pagkapasok, Daniella blurted out:
“Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta dito o di kaya naman ay naghihingalo na sa saksak ng mga babaeng ‘yun. Kung gustung-gusto nila si Cedrick ay kanilang-kanila na. Wala akong balak agawin sa kanila. It would be my pleasure na ibigay siya sa kanila.”
At ipinatong ni Daniella ang hawak niyang libro na ikinagulat namin.
“Take it easy, Danie,” alo ni Meann sa kanya.
“Perhaps somebody should talk to Cedrick,” sabi naman ni Gino, ang running for Summa Cum Laude ng batch.
“I mean, let’s just say na he’s actually serious about Danie,” Gino continued. “Pero kelan lang ba natin siya nakilala? Wala pa ngang dalawang buwan mula nung makilala natin siya. If he’s really serious about her, kailangan niya munang patunayan na hindi na siya ang dating Cedrick na kilala ng lahat. Second, kailangan niyang patunayan kay Danie at sa ating lahat na hindi lang siya naglalaro. Of course, we want nothing but the best for our Danie, right?”
Napatango lang kami sa sinabi ni Gino. Medyo madalang din kasing magsalita ang isang ito pero kapag nagsalita naman, sure nang shoot sa banga.
I looked at Daniella. She seemed to be so stressed of the situation.
“So, sino ang kakausap kay Cedrick?” tanong ni Reynan sa amin
“Matt,” Phillip called me. “Will you please do that honor? Magpinsan naman kayo ni Cedrick, di ba? Please? For our Danie?”
At ako naman ata ang maii-stress nang dahil sa sinabi ni Phillip.
------------------------
A/N:
I would really love to hear from you. Please vote and comment. :)
~ Elaine Kitty<3
BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...