15 ~ Music Booth

94 0 0
                                        

15

~ Music Booth

>>>DANIELLA’S POV

 

I reached our booth at last. Bising-busy na ang mga tao since by any minute, kapag nag-ring na ang school bell, magbubukas na ang lahat ng booth kasabay ng pagsisimula ng opening program.

KRRRIIINNNNGGGG!

And that’s the signal.

Nagsiputukan na rin ang mga fireworks. Naghiwayan ang mga estudyante, nagpalakpakan ang mga teachers. This surely is going to be a week full of fun, I hope. *fingers crossed*

Lumabas muna ako ng booth/restaurant namin. Medyo kita ko sa labas nun ‘yung program sa quadrangle. Napansin kong naghihiwayan ang mga babae at baklalush na mga nanonood. Hindi ko natanong kina Aila ang tungkol sa opening program. May artista na naman siguro na bumisita sa school kaya walang tigil sa pagsigaw ang mga ‘yun.

“Danie,” napalingon ako sa tumatawag sa akin. “We need you inside,” tawag sa akin ng kaklase ko.

I was about to go inside nang may magsalita.

“Hi, everyone! I am Cedrick Alonzo and I am happy to tell you all that I am going back to school....”

Hindi ko na narinig ‘yung mga kasunod niyang sinabi kasi hinila na ako papasok ng classmate ko. But there is one thing I am sure of. That’s him! That’s the guy in bonnet and shades! And the reason why he’s so familiar? Siya ang latest model ng Bench!

***

“Danie, dalian mo! Something came up!” sabi ng classmate ko habang hila-hila ako.

“Bakit? Ano ba ‘yun?”

Nakita ko naman si Mariz na inaalalayan ng iba kong classmates. Isa siya sa mga classmates ko na kakanta sana for our booth pero sa lagay niya? I don’t think she can and she will! Sobrang namamaga ang mukha niya lalo na ‘yung parteng leeg niya!

“Anong nangyari kay Mariz?” tanong ko kay Reynan.

“Kumakain lang kami kanina,” kwento ni Reynan. “Kain din nun ng kain si Mariz. We didn’t know na may allergy siya sa seafoods. It was already late when we figured that out.”

“You should bring her to the clinic,” suggestion ko. “Feeling ko eh kailangan na niyang maturukan ng antihistamine. And drink this,” sabot abot ko ng antihistamine tablet. “Drink that with a lot of water.”

At kahit na hirap na hirap nang makapagsalita, Mariz still managed to say “thank you”.

The F WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon