32 ~ Suitor

55 0 0
                                        

Happy New Year!

****

32

~ Suitor

>>>DANIELLA’S POV

Pagkatapos kong makuha ang mga gamit ko sa locker, kinuha ko na rin ang bouquet ng bulaklak kahit na mabigat sa loob ko.

Ano bang gagawin ko rito?

Sayang naman kung itatapon ko lang.

Luminga-linga ako at napansin ko na pinagtitinginan na pala ako.

Marahil ay dahil dito sa mga bulaklak na hawak ko.

Badtrip talaga!

Bigla namang napadako ang mga mata ko sa katapat na building.

Tila alam ko na kung saan ko dadalhin ang mga bulaklak na ito.

***

Matiwasay naman akong nakapasok sa classroom namin.

15 minutes pa bago ang first period.

Nakita ko naman si Matt sa upuan niya. Bahagya ko lang siyang nginitian.

“Are you alright?” tanong niya sa akin

Tumango lang naman ako. Hindi na rin naman ako kinausap pa ni Matt. Ilang minuto na lang bago ang bell. Hindi ko rin alam kung gugustuhin ko pang makita ang taong nakaupo sa unahan ko.

But speaking of the devil...

Nakangiti siyang lumakad at naupo sa assigned seat niya...

“Did you like the flowers?” nakangiti niyang tanong sa akin

“To tell you honestly, no,” naiirita kong sagot sa kanya. “I don’t entertain suitors, Mr. Alonzo. Nanghihinayang lang talaga ako dun sa mga bulaklak kaya instead of throwing it away, inilagay ko na lang ang mga ‘yun sa altar at inialay kay Blessed Virgin Mary.”

He chuckled.

“What’s funny?”

 

“Honey, haven’t you read my note?”

Napataas naman ang kaliwang kilay ko. Honey? Excussseeee meeee!

Dahan-dahan naman siyang tumayo and how I wish that his next statement was just a dream...

“Classmates, since Daniella seems to not notice my little note this morning... I would like to inform everyone that starting today, I am officially and ONLY courting Ms. Daniella Montecillo.”

Matalim lang na nakatingin si Matt kay Cedrick while everyone else’s jaw just dropped.

At ako?

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timbang tubig na may yelo.

Mala-ice bucket challenge.

----------------------

A/N:

Cedrick's note included...

The F WordMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon