12
~Breakfast
>>>DANIELLA’S POV
Pambihira naman pala talaga itong mga roommates ko eh...
Kasi naman mahigit sa sampung bathing suit ata ang dala. Pwede na kaming magtinda dito. Hahaha!
Tinulungan ko si Tintin, pati na rin si Meann sa pagpili ng bathing suit nila.
Ang pinili ko para kay Tintin ay isang two-piece swimsuit na green in color at may design na cute shapes. Two-piece din ang kay Meann, plain red naman ito at strapless. Kitang-kita ang kaseksihan at kaputian ng dalawang ito sa swinsuits nila. Kay gagandang mga dilag! Hehehe.
“Oh, ikaw naman...”
“Ha?”
“Asan ang swimsuits mong dala? We’ll see them...”
“Eh? Pati ba naman ako?”
“Oo naman, ano! Aba! Aba! Dapat talbog silang lahat sa kaseksihan mo...”
“Tama! Dapat lumabas ang kagandahan at alindog mo sa isusuot mong bathing suit.”
Tsk! Ano ba itong napasukan ko?
*****
Matapos magbihis, lumabas na kaming tatlo at nagpunta sa beach. Ang sabi sa amin ni Aila ay dun na rin kami sa may tabing-dagat magbe-breakfast.
I walked out from our cottage wearing a one-piece, black, halter swimsuit. From the swimsuit, labas ang dalawa kong tagiliran showing my curves. My belly button is also exposed up to the lower braline. Actually, para nga rin akong naka-two piece eh, mas marami lang ng konti ang telang ginamit dito. Sabi nina Tintin at Meann, napaka-sexy ko raw sa bathing suit na ito. Tsk! Alam ko namang sexy ako pero wag namang ganito oh! =___=
Nandito na rin lang eh paninindigan ko na. Pero syempre, I cannot go outside wearing only this. I also wore my white swimsuit coverup na long sleeves at may ruffle trim sa mga gilid. Wala naman akong planong mag-swimming o magbabad sa araw. I just want to enjoy the scenery here.
“Danie, Tintin, Meann... Dito tayo!” sigaw sa amin ni Reynan habang nagba-barbeque.
Lumapit naman kaming tatlo kung nasaan ang iba pa naming kaklase. Masayang nagkukwentuhan ‘yung iba dun sa ilalim ng mga payong habang sa di kalayuan, ang iba naman ay inuubos na ang iniihaw ni Reynan...
“Julius, ano ba? Kain ka naman nang kain eh!”

BINABASA MO ANG
The F Word
General Fiction"Just when you tell yourself you will never fall for anybody, you will then find yourself smiling for someone who seems to be really special." Daniella promised herself she could not fall in love with anyone for a particular and very important reaso...